ninety nine; mama

3.9K 197 19
                                    

Alex

Morning and afternoon came...

Wala akong pasok right now and I'm lucky enough to have a rest day in a weekday. Tapos wala na naman pasok sa Saturday and Sunday. Infairness, maganda schedule ko ngayon. I've done my homeworks and all tapos spend some time with my love.

Then, mama too which is really so makulit. Asking when, where, how. Disturbing me and Zac's moments together. Being an annoying mother pero I understand her naman kase she's my mother tsaka gusto niya lang malaman about me and Zac.

Dinner na at kanina pa nasa cr si Zac. Hindi ko naman alam kung ano ginagawa. Ang pangit naman tanungin kung ano bang ginagawa niya dun. Most of the time, palaging nasa cr si Zac at ngayong gabi yung pinakamatagal.

"Anak, matatagalan ba 'yang Zac mo sa cr? Gutom na ako." Sabi ni mama habang nakaupo na kami sa upuan.

"Ma, malapit na yun. At ma, wag ka po masyadong strikto sa kanya please."

"Anak, kailangan kong malaman kung deserving ba siya sa buhay mo. Lahat ng paghihirap kailangan niyang pagdaanan kahit na alam natin na mayaman siyang tao. At kung gusto mong tanggapin ko siya sa pamilya na 'to, you have to consider the fact na hanggang ngayon, kinakagalit ko pa rin yung ginawa niya sayo dati."

Nanahimik nako at hindi ko pa alam maisasagot ko.

Narinig ko na yung sarado ng pinto sa cr at lumabas na siya.

"Um, sorry po, tita. Naghanap pa po ako ng tissue." Sabi nito at umupo na sa upuan.

"Tissue? Ang daming tissue dun." Turo niya sa taas ng lababo.

Nanahimik si Zac at nagpray muna kami bago kumain.

Habang kumakain...

"Wala pa pala ako tubig." Sabi ni mama.

"Ako na po kukuha." Volunteer ni Zac at kinuha niya si mama ng tubig at nilagay niya sa lamesa.

Umupo na si Zac at uumpisahan na sana niya kumain kaya lang...

"May juice ba dyan sa ref?" Tanong ni mama.

"Meron po, tita."

"Juice nalang ako. Yung orange."

"Ako na-" Volunteer ko kaya lang pinigilan ako ni Zac at siya na kumuha.

Binuksan niya yung ref at ang sabi, "Um, wala na pala tayong orange juice. Lemon juice lang."

"Anong balak mong gawin, Zachary? Any ideas?" Sarcastic na sabi ni mama.

"Bibili po ako." Sabi nito.

"Huh? Zac wag na. Ma, yung lemon nalang. Masustansya naman yun e." Ngiti ko.

"Alexandra, hindi ako mahilig sa lemon juice. Orange juice ang gusto ko."

"Kunin ko lang po wallet ko." Sabi ni Zac at pumunta sa kwarto.

"Ay, wag na. E'to na yung pera. Bumili ka na." Sabi ni mama at binigyan niya ng pera ito.

"Tita, ako na po bahala. Magpapalit lang po ako." Tinignan niya yung suot niya.

Dahil nakasweatpants siya at sando. Hindi siya lumalabas ng bahay, dorm o saan man kung hindi nakadecent attire yung suot niya like pants.

"Zachary, okay na 'yan. Hindi mo na kailangan magpalit. Nauuhaw nako."

"Um, okay po." At umalis na si Zac.

"Mama-"

"Shh, kumain nalang tayo." Ngiti niya at uminom ng tubig.
___________________

"Ano ba naman 'tong remote control!" Biglang sigaw ni mama at nagkatinginan kami ni Zac.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon