seventy five; feelings

5.5K 210 16
                                    

Troy

Kung hindi lang dahil kay best friend Zacky, hindi ko 'to gagawin e.

Are you sure about that? Is it because of Zac? Or is it because you're avoiding Alex? Why should I avoid her? She's my friend.

Friend ba tingin mo sa kanya? E, 'yang nararamdaman mo, iba na e. Remember, there's so many girls out there. At sa dinami dami ng babae sa buong mundo, siya pa nagustuhan mo. What? I don't like her.

"Troy?" Alex snapped her fingers at me at siguradong nahalata niya na tulala ako.

"Yummy noh?" I quickly said.

Buti konti lang inorder ko para maubos kagad pero nang mapatingin ako sa mga order ni Alex, nanlaki mata ko.

"What?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Um... you can eat all of that?"

She nodded and I find it cute.

Cute? Talagang cute? Oo, cute. Lahat naman yata ng tao na nakapout o lobo o mataba yung pisngi, cute e. Walang malisya yun.

"Kumain ka lang. Libre ko naman e." Sabi niya at tinignan ko yung pagkain ko.

Parang ayoko nang kumain, busog na ako nang makita ko siya.

Busog? Talaga? Oo, busog kase nakita ko yung mga pagkain niya. Yun ang ibig kong sabihin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Um... umiiwas kase ako. I mean... um, kase, ano..." Mag-isip ka ng excuse mo. Nadudulas ka e.

"Umiiwas?"

"Umiiwas sa... pagkain. Kase, diet ako ngayon." Ngiti ko.

She giggled, "Diet? Breakfast ginagawa mong diet? This is the most important meal of the day. Kaya, kung kasama mo ko, walang diet diet. Kumain ka na."

Totoo naman sinabe niya. Ang dami daming excuses, yun pa yung nasabe ko. Kinuha ko yung spoon at fork ko at pinagpatuloy kong kumain.

"Baka naman natatakot ka?" Sabi niya.

"Huh?"

"Na magwalk-out ulit ako tapos masasayang yung pagkain. Sorry, ngayon lang tuloy ako nakapagsorry."

"Okay lang." Ngiti ko at totoo naman kase na okay lang. Okay lang na masayang yung pera ko. Pero ang hindi okay ang masayang yung pagsasama namin.

Ehem. Ano daw? WALA.

"Um, bakit mo pala naisipan na magjogging?" Tanong ko.

"Mababaw ba yung dahilan kapag sinabe kong dahil sa pagmomove-on?"

So, totoo nga.

"Hindi naman. Pero, serious na yan?"

"Serious na talaga." Ngiti niya at sa nakikita ko sa kanya ngayon, iba yung dating niya.

"Ayaw mo na sa kanya?"

Bakit mo naman tinatanong? Gusto mo ikaw ang pumalit? Hindi masama magtanong.

"Oo, ayoko na sa kanya!" She exclaimed, "At wala na kaming babalikan sa isa't isa."

Ouch para kay best friend.

"Paano mo naman nasabe?" Uminom ako ng coffee.

"Kase, masaya na ako. At masaya na siya."

"Masaya? Paano mo naman nasabe na masaya siya?"

"Hindi ba siya masaya ngayon? Siguradong bumalik siya dahil sa graduation day. Yung ngiti niya abot langit. Kitang kita ko yun. With my own eyes." Ngiting sabi niya pero biglang nagbago expresyon niya.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon