seventy; dress

6.3K 243 14
                                    

Nang makababa na ako, muntik pa ako matapilok dahil sa kakamadali. Baka maabutan ko pa si Zac at hindi pa ako handang makita siya.

At si mama... nako po, galit yun. Isang araw ako hindi umuwi na wala pang paalam. Wag naman. Gera 'to.

Nakarating na ako sa entrance at naghihintay ako ng taxi para mabilis pero wala naman akong nakikitang taxi.

"Kailangan ko nang makarating sa bahay." Kinakabahan na sabi ko.

"Miss?" Napatingin ako sa tabi ko at matandang lalaki ito.

"Po?"

"Ikaw ba si Miss De Guzman?"

"Um, bakit po?" Sagot ko.

"Kase po, kanina pa po kita hinihintay."

Tumawa kagad ako sa sinabe niya, "Si manong talaga, bumabanat pa."

"Ay, hindi po banat yun."

"Ay." Pahiyang sagot ko, "Okay lang po yun, assuming po kase ako."

Assuming na mahal ako... joke lang pala lahat.

"Um, manong, wag mo pong sabihin na inutusan din kayo ni Zac?" Tanong ko dahil alam niya surname ko.

"Ay, opo. Teka lang ha." Paalam niya at umalis na muna siya.

After 2 minutes...

Nagulat ako ng may dumating na magandang kotse sa harap ko.

Nanlaki mata ko nang lumabas si manong, "Pinapahatid po kayo ni Mr. Salvador. Ready na po ba kayo sa biyaheng forever?" At ngumiti si manong.

Biyaheng forever talaga? Pati si manong, nauuto niya. Malakas tama nito ni devil. Che, bahala ka.

"Um, manong, pwede po bang biyaheng bahay lang?"

Tumawa siya, "Sakay ka na po."

"Um, magtataxi nalang po ako."

"Hindi po pwede e. Please po, sumakay na po kayo. Kailangan ko po talaga itong trabahong 'to." Nagmamakaawang sabi nito.

Napapikit ako at bumulong ako, "Devil, bakit mo ba 'to ginagawa? Alam mo kase na hindi ko 'to aatrasan noh? Bwisit ka."

Tumingin ako may manong, "Um, sasakay na ho ako. Pero po, biyaheng bahay lang po." At sumakay na ako.
_________________

Nang makarating na ako sa bahay, nagmamadali ako pumasok at nakita kong wala si mama.

"Ma?"

Biglang may nagsalita, "Nandito ako, anak!" Galing sa kusina yung tunog.

Pagkapunta ko sa kusina, nagulat ako dahil ang daming gamit na parang namili siya ng mga ingredients for baking.

"Um..." Speechless.

"Anak!" Niyakap ako bigla ni mama at hindi ako makapaniwala na totoong nangyayari ito.

"Ma? Ano pong... nangyari?" Tanong ko at tinignan niya mga gamit na nakalagay sa lamesa.

"May nagpadala ng mga ito. Sandra name niya. May binigay lang siyang card. Ayaw mo nun? Marami ka nang magagawa sa bahay, puro baking." Ngiti ni mama, "At anak, sa susunod magtext ka sakin. Hindi yung malalaman ko pa sa sosyal mong kaibigan." Dagdag nito.

"Teka teka, ma, anong sosyal na kaibigan? Anong card? At anong Sandra?"

"Wait lang." May kinuha siya sa pocket niya at pinakita niya sakin yung card.

Binuksan ko yung card at binasa ito,

tita, sandra here, i bet alexandra told you about me. don't worry about alexandra, she's safe with me, sleep early okay? :)

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon