one hundred fourteen; friendship

3.2K 144 11
                                    

~ 1 MORE CHAPTER TO GO ~

"Kamusta na anak ko?" Sabi nito pagkabukas ng pinto.

Niyakap ko siya ng mahigpit, "Okay lang naman, ma. Ikaw?"

"Mas okay dahil alam kong okay ka lang." Ngiti niya, "Pumasok ka na at siguradong uulan."

Medyo madilim nga ang mga ulap.

Sa totoo lang, pinalipas muna namin ni Zac birthday niya bago kami umuwi.

Nagtagal muna kami sa beach without Louis, Troy and Trina. Actually, nagkita naman kami ni Trina pero hindi kami masyadong nakapag-usap sa nangyari. Siguradong, galit siya dahil ginugulo ko damdamin ng best friend niya at hindi ko naman masisisi yun.

Umuwi kami ng maaga at dahil umaga kami umuwi, mapupuntahan ko si mama kagad. At sabi sakin ni Zac na magpapahinga na muna siya tsaka siya pupunta ng trabaho.

And actually, yun lang sinabi niya sakin. Hindi kami masyadong nakapag-usap kundi pumasok siya kagad sa kwarto niya.

Kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Hindi pa kase ako umalis e. Hinayaan ko pa mangyari yun.

Dahil gusto mo. Sabi ng konsensya ko.

Hindi ko gusto.

Gusto mo. Kung ayaw mo, ipapahalata mong ayaw mo sa kanya. Sagot niya at hindi nagpapatalo konsensya ko kahit anong sabihin ko.

Umupo kami sa sofa ni mama.

"Anong gusto mo? Meron akong apritadang manok dun. Painitin ko gusto mo?" Sabi niya.

"Okay lang ako, ma." Sabi ko at pinagpatuloy ko, "Um, kamusta na po yung paghahanap niyo ng trabaho?"

"Ayun! Buti pinaalala mo. May good news ako, anak. Tumawag yung dati kong boss, gusto niya akong ibalik."

Expected ko na itong mangyayari dahil sinabe sakin ni Zac na aayusin daw ng dad niya o dad ko. Hindi ko alam. Hays.

"Talaga po?" Kunyaring gulat ko, "Um, buti naman."

"Oo, anak. Sabi ko nga, matutuwa ka kapag nalaman mo." Ngiti niya.

I slightly smile, "Um, ma..."

"Ano yun, anak?"

"Diba, mahal mo naman ako? At kung may hindi akong alam, sasabihin mo?" Tanong ko.

Nagtaka si mama dahil sa expresyon niya, "Oo naman, anak. Ba-bakit? May problema ba?"

"Kase, ma, ano eh- hindi ko talaga alam kung ano paniniwalaan ko." Kinakabahan kong sabi.

"Anak, ano yun? Sabihin mo. May nangyari ba? Nag-away ba kayo ni Zachary?"

"Hindi ma. Tungkol ito satin. Sa history ng family natin."

"Anak, anong ibig mong sabihin?"

"Mama..." Hinto kong sabi, "Totoo bang-totoo bang, hindi ko tatay si papa?"

Nanlaki mata niya at hindi niya ineexpect na sasabihin ko yun. Pero sa totoo lang, ineexpect kong sasabihin niyang tatay ko siya pero sa nangyayari ngayon, tahimik siya.

Ibig sabihin totoo?!

"Anak, saan mo nalaman?" Maiiyak na siya.

"Hindi na importante kung kanino ko o saan ko nalaman, ma. I want the truth, please." Narealize kong may tumulo nang luha sakin.

Hinawakan niya kamay ko, "Sasabihin ko sayo, sasabihin ko sayo yung totoo- ayokong itago."

Lumuha ako ng sobra, tinakpan ko mukha ko sa iyak.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon