ninety three; regret

4.3K 227 29
                                    

Zac

Parang naging harsh yata ako sa kanya ngayon? Hindi ko naman maiiwasan yun. I saw them looking at each other at nagtatawanan pa. Aaminin ko, nagseselos ako at sinadya ko talaga na may kasama akong babae. Para magselos siya at nakikita ko siyang napapatingin rin samin.

Effective diba? But somehow, pinagsisisihan ko lahat yun. Nasasaktan ko siya. Sa nakikita ko sa mga mata niya habang tinitignan niya ako, nakikita kong... iiyak na siya o aalis na siya pero hindi niya magawa yun.

Nagpapalakas siya ng loob, lumalaban siya kahit masakit na. Pero bakit ganon? Kung ganon rin pala yung ginagawa niya, bakit hindi niya nagawa yun in 6 months? Hindi siya lumaban, hindi siya nagpakita sakin o hanapin man lang ako? Na alam naman natin lahat na hanggang ngayon, mahal pa rin niya ako?

Takot.

Yun siguro ang dahilan?

Pero, ang totoo... in my plan, I want to know if her feelings are still the same.

Na mahal pa rin niya ako.

"Hindi ako nasasaktan..." Napatingin bigla ako sa kanya habang iniikot ko yung isang daliri ko sa ibabaw ng glass.

"Kung yun ang sa tingin mo." Dagdag niya.

Nabasa ba niya isip ko? Kung hindi siya nasasaktan, hindi na niya ako mahal?

"Weh?" Sagot ko at tumingin ako sa kanya.

Comfortable ako magsalita ng mga ganito, I mean serious talks kapag kaming dalawa lang. Mas nakakaconcentrate ako at pati na rin siya.

"Oo."

"Kaya pala bawat inom ko, tumitingin ka." Ngumisi ako which is true naman sa sinabe ko.

Ewan ko ba, kapag nakikita ko siya, kinikilig ako. Natutuwa ako, kumpleto na kase araw ko kapag ganon.

"Naaawa lang ako sa mga katulad mo na inom ng inom. Mahaba pa sana buhay niyo. Sinasayang niyo lang pera at oras niyo sa alak." She explained.

I smirked again, "Really? Like how you did at the party? Oh I mean, the two parties that you went to?"

Napaisip siya, "Yung unang party, aksidente lang yun." Paglalaban niya.

"Pero yung pangalawa?" Tanong ko.

"Um, ano... nagkamali ako sa ginawa ko nun."

"See?" Sagot ko at mangangalahati na sana ako sa iniinom ko nang may masabi siya na nakakatawa o pilosopong sagot.

"Libre naman yung pangalawang party. So, hindi ako nagsayang ng pera." Paglalaban na naman niya at napatawa ako pero inubos ko na yung isang shot.

Sumisilip at tumitingin siya sa paligid at parang may hinahanap at tumingin siya sakin, "Hindi na yata bumalik yung ka-date mo."

Talagang hindi babalik yun, inutusan kong wag na.

"Si Zeth ba yung tinutukoy mo?" Tanong ko.

"Bakit? Meron pa bang iba?" Tanong naman niya at uminom siya ng tubig at napabuga ito ng sagutin ko siya.

"About 5 or 7 girls, I think? Or 10 or more? I don't know, I lost count." I smiled at sumandal ako sa inuupuan ko and I put my both arms at both sides of the couch.

"Playboy ka talaga e noh? Kaya pati sex, ginagawa mo sa dorm?!" Inis na sabi nito at napalaki yung mata ko sa sinabe niya.

Hindi na yata magiging maganda yug kasunod nito kapag hindi ko siya sinagot ng maayos.

"Those 10 or more girls are only for small talks. It's not what you think."

"E 'di lumabas na rin yung totoo na playboy ka at plus sex addict."

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon