ninety eight; advises

4K 202 13
                                    

Pagkapasok namin ng dorm, nanlaki mga mata namin. Bumungad yung mukha ni mama. This is so unexpected.

"Ma, ano... anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks.

"Mapapadalas yung dalaw ko dito, Alexandra."

"Bakit po? May nangyari ba?"

"Wala naman." Ngiti niya, "Gusto ko lang magspend ng time with my daughter."

"Um, goodevening po, tita." Bati ni Zac.

"So, Zachary, dito ka pala natutulog?"

"Opo." Sabi nito habang hawak pa yung bag ko at kinuha ko sa kanya ito.

"Really? Bakit hindi ka maghanap ng ibang dormitory?"

"Ma-" Pipigilan ko sana siya kaya lang nagsalita na siya ulit.

"Ang dami daming hotels, condos sa Pilipinas..."

"Nandito po ako para kay Alexandra." Sabi nito, "And she said that this place is good. Better than my own university."

"Talaga, anak? Well, if that's the case. I can stay here for a while, diba?" Ngiti ni mama at nagkatinginan kami ni Zac.

"Ma, seryoso ka?"

"Oo naman. Bakit hindi? May ginagawa ba kayo na hindi ako pwede mangielam?"

"Wala, ma!" React ko kagad.

"Wala po kami ginagawa ni Alexandra." Sabi naman ni Zac.

"Hmm, hindi ko pa pinalalagpas yung ginawa mo sa anak ko, Zachary."

Tumahimik na lahat.

Nagsalita nako para tumigil na yung tahimik, "Pero po ma, paano yung trabaho niyo kung magstastay kayo dito? Mahihirapan po kayo sa biyahe. O baka naman may problema sa bahay, hindi niyo lang po sinasabe sakin."

"Alexandra..." Sabi nito habang nakaupo sa sofa, "Wala naman problema sa bahay. At nakaleave ako for 1 week." Ngiti nito.

Nagkatinginan ulit kami ni Zac.

"Tita, you can stay here. There's no problem, right Alexandra?" Sabi ni Zac at tumingin sakin.

"Oo naman. Wala." I slightly smile.

This is a bad idea. Tsk tsk.

Kilalang kilala ko si mama, jusko, lalo na't nalaman niyang kami na ulit ni Zac. May something fishy about her. Wala naman daw problema sa bahay, sa trabaho niya. E, ano naman kaya yun?

"Um, ma, magpapalit lang po ako ng damit." Sabi ko sa kanya at hinawakan ako ni Zac sa kamay na para bang pinipigilan.

Tumingin ako sa kanya, "Right now?" Bulong nito at tumango naman ako.

"Wait. Not yet." Sabi nito.

"Magpalit ka na at ipag-oorder pa tayo ni Zachary ng pizza." Ngiti ni mama pero sarcastic.

"Mama-" Pipigilan ko sana pero naunahan na niya ako.

"Diba, Zachary?" Tanong niya kay Zac.

"Um, opo." Ngiti ni Zac na parang walang choice.

Kinakabahan talaga siya.

"Okay, sige na, anak, palit na." At papasok nako ng kwarto nang tinignan ko once again si Zac na nakatingin sakin at hindi alam gagawin.

Nakakakaba man dahil hindi ko alam kung ano mga kwento ang ikwekwento ni mama sa kanya, my most embarrassing? Or anuman. At hindi ko alam, baka pahiyain siya or what.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon