one hundred nine; impossible

3K 167 28
                                    

Alex

"Alex, gising."

"Wake-up."

Dahan dahan kong minulat mga mata ko at nakikita ko sila Klara at Rachel na ginigising ako.

"Nakatulog ka." Sabi ni Klara, "Hindi ko akalain na hihintayin mo kong matapos dito sa tinitype ko." Ngiti niyang sabi.

"Good mood na siya." Sabi ni Rachel, "Tumawag yung boyfriend e. Bati na sila."

Bumangon nako at nagsalita na ako, "Anong oras na? May 3:30 na ba?"

"Kanina pa, Alex." Sabi ni Klara.

Nanlaki mata ko, "Late nako." Sabi ko at kinuha ko na kagad yung bag ko.

"Akala ko hindi ka na pupunta sa HRM group activity mo e. Bye!" Paalam ni Rachel at tumakbo na ako papunta sa laboratory.

Nang makapasok na ako mukhang gitna na yung pinag-uusapan nila.

"Sorry, late ako. Nakatulog kase ako e." Sabi ko sa kanila.

"Alex, okay ka lang? Namumutla ka yata." Sabi ng isa kong kaklase.

"Huh? Ako?" Hinawakan ko yung mukha ko, "Hindi siguro." Hindi ko pag-amin at kanina pa talaga ako nang-iinit.

Pakiramdam ko ang init ng katawan ko or something. Umupo nako at hinayaan na yung isa kong kaklase mag-explain kung anong gagawin namin. Habang nag-eexplain siya, nahihilo ako, ang sakit pa rin ng katawan ko.

"Alex?" Tawag ng isa kong kaklase.

"Huh?"

"Pwede mo nang i-explain yung naisip mo." Sabi niya at tumayo na ako at pumunta sa harapan para mag-explain.
______________________

Tinignan ko yung orasan ko at wala na akong gagawin for today kaya naman uuwi na ako. Umuwi na kaya si Zac? Siguro nasa dorm na yun. Pero kung nandito na siya, itetext naman niya ako. Tinext niya ako kanina, pero kanina pang 1pm yun. Siguro, busy lang talaga siya.

Padaan na ako ng campus ng may matandang lalaki na nakasuit and tie na parang businessman na nakatayo sa gilid ng campus at may kinakausap siyang dalawang estudyante. Medyo malapit sila sakin at rinig na rinig ko na may tinatanong ito sa kanila.

"Hindi mo siya nakita?" Tanong ng businessman.

"Hindi po."

"Pero kilala mo siya?"

"Boyfriend niya si Zac." Sagot ng isang lalaki.

Nanlaki mata ko, ako ba hinahanap nito?

"Kapag nakita mo si Alex De Guzman, sabihan mo ako kagad." Sabi ng businessman.

Umalis ako kagad at delikado ito, kung sinuman ang naghahanap sakin, siguradong may koneksyon sa tatay ni Zac.

O kaya siya ang tatay ni Zac.

Minamadali ko na ang sarili ko at palabas na ako ng campus ng may tumigil na isang mamahaling kotse sa harap ko.

"Shit." Napamura ako ng tuluyan.

"You're Alex, right?" Napalingon ako sa hindi ko kilalang boses.

Kinakabahan ako. Kailangan ko ng tulong, jusko. Hindi ko 'to kaya.

Tumango ako na kinakabahan.

"Finally." Ngiti niya, "I'm Zachary's dad." Dagdag nito at pinasakay ako sa sasakyan.
______________________

Zac

"You're lying." Sabi ko sa kanya habang nasa loob ng kotse niya.

"Maniwala ka, anak. I've tried my best to be here with you. But your dad... he's-he's a monster."

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon