eighty three; owner

5.2K 231 15
                                    

Alex

"Ahhhhhhhhhhhh!" I screamed so hard at kulang nalang ay katukin ako dito sa dorm.

Bakit ba kase ako hindi makatulog? Kapag pinipikit ko mata ko, nakikita ko siya? Siya kagad yung nasa isip ko. Ayoko siya maging panaginip ko.

I stare at the ceiling and still thinking what happened earlier.

"Sakin kase, hindi ka nawala. Even if you think na, we broke-up. But for me, there's still... you and me. There's still an infinite love."

"Stop it, Alex! Stop it." Sabi ko sa sarili ko habang paulit ulit sakin sabihin.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko at kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan.

Nanlaki mata ko, 2:33am.

"Seryoso ba 'to? Ano ba, tigilan mo na nga ako Zac! Tumigil ka na!"

Okay, ipipikit ko na mata ko at sigurado akong matutulog na ako.
___________________

"Sigurado akong nakakatakot na mukha ko." Sabi ko habang dilat na dilat na ako.

Nag-alarm na yung 5:30am jogging mode ko. At talaga nga naman na hindi ako nakatulog.

Umupo ako sa kama ko at pinag-iisip kung itutuloy ko ba ang pagjojogging ko o hindi. But I really really want to sleep.
_________________

Nang makababa na ako sa ground floor, nagulat ako nang makakita ako ng napakaraming luggage, parang galig sa ibang bansa yung may-ari.

"Oh, hija. Magjojogging ka?" Biglang sulpot ni lola Karen.

"Opo. Um, may bago yata kayong customer." Sabi ko.

"Uh, oo, kagabi ko lang nakausap. At ang nakakadepressed nun ay, hindi na ako ang may-ari ng dormitory." Lungkot na sabi nito.

"Bakit ho?"

"Binili na niya kagad yug dormitory. Ewan ko kung bakit pero sinabe ko naman sa kanya na, it's not for sale. Kaya lang, nasa isip ko din na, I need to relax for a while, sa tingin mo?"

"Nako po, talaga nga naman na nakakadepressed po yan. Kung ano po sa tingin niyong makakapagpasaya sa inyo." Ngiti ko, "Pero po, sana kung sino man ang bumili, mabait at hindi pababayaan itong dormitory."

"Hija, sinabihan ko na siya at sa boses niya lang, convincing na siya. Kaya itong mga gamit, sa kanya ito. May lilipatan daw siya sa 3rd floor. Dun daw ang gusto niyang dorm."

"Uh, sabi mo nga po nung una kami pumunta dito, 3rd floor ang mabenta." At nagtawanan kami.

"O sige, hija. Mag-ingat ka. Magbrebreakfast muna ako." Paalam niya at umalis na siya.

Kung sino man ang bumili ng dormitory, sana talaga panindigan niya dahil sa tingin ko, special ito kay lola Karen.

Nagsimula na akong maglakad palabas at ready na for jogging.
________________

Nang nakaramdam nako ng gutom because breakfast is the most important meal of the day, ayun, bumalik kagad ako ng dorm.

Pagkapasok ko, wala na yung mga gamit at wala din si lola Karen. Maybe she's busy.

Umakyat ako kagad at nakasalubong ko yung mga neighbors ko. I mean, mga kapitbahay ko dito sa dorm.

"Uy, Alex, alam mo na ba yung bagong chika?" Sabi ni Jessica.

"Chika? Anong bago?" Hala, pati ako tsismosa na. Okay, napapatawa ako deep inside.

"May heartthrob dito. Bago lang siya." Kilig na sabi naman ni Winnie.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon