seventy seven; effort (part one)

4.9K 260 8
                                    

"Dali na, Zac. Labas na." Sabi ni Troy.

Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa likod ng kotse dahil sinuot ko yung costume.

"Do I look like a mascot to you?" Inis na sabi ko.

Tumawa si Louis, "C'mon, bro. Get out, Alex's waiting for you."

"Fuck. I'm hideous."

"You're cute, Zacky." Tawang sabi ni Troy habang nasa driver's seat pa rin.

Bakit kase ako pumayag na magsuot ng costume? Para akong Jollibee.

Except ako si Dora the fucking explorer.

"Fuck you both." I cursed, "Wala akong makita kahit ano dito."

Naririnig ko lang sila tumatawa habang ako naman ay naiirita na.

"Why is it so hot in here?" Sabi ko.

"Just get out, Zac. Ayaw mo bang makita si Alex?" Sabi ni Louis.

"I want to. Pero, wala na bang ibang option? Do I need to wear this fucking costume?"

Tumatawa na naman sila ulit. Sa tingin ko ito lang yung option pero meron e. Kaya lang, take the risk ang kailangan. Gusto ko kase kapag nagkita kami, surprise as in, na parang hindi niya expected na makita ako. Kaya, e'to muna gagawin ko for now.

"So?"

"Okay! Fine." Sabi ko, "But please, open the damn door at the back. I can't move my feet or even my whole body in here."

"Alright." Sagot ni Troy at bumaba na siya at binuksan yung pintuan sa likod.

Inalalayan niya ako pababa ng kotse at nang makatayo ako ng maayos, ang bigat ng ulo ko.

"Fuck, this head is so... big."

"Goodluck, bro." Sabi ni Troy at nagmarch na ako papunta sa dorm.

Sumilip si Louis sa bintana at ang sabi, "For the sake of love." Drama niyang sabi at tumawa.

Pero bago ako makapasok ng tuluyan, humarang yung matandang babae.

"Um..." I mumbled.

Fuck, I need to change my voice. Baka may makahalata lalo na kapag nakausap ko na si Alexandra.

"Are you here for the welcoming of the new guests?" Tanong sakin.

Welcoming? For the new guests? Hindi ko gets. Pero, why not try it?

"Opo." I deeper my voice para hindi halata.

"Welcome to the dorm for the norms!" Ngiting sabi niya at pinapasok na niya ako.

So, safe na ako? Yes!

"E'to pala mga pangalan ng iwewelcome mo na guests." Turo sakin ng matandang babae, "At ito naman yung mga room number nila." Dagdag nito.

Hinanap ko kagad yung pangalan ni Alexandra at e'to nga, 3rd floor dorm number 89.

89? Katulad ng room ko sa university. Talagang pinili niya yun? Namula kagad ako at hindi mapigilan na ngumiti. Sabi ko na nga ba e, mahal niya pa rin ako.

"Pwede ka nang umakyat." Sabi nito at binigay sakin yung papel.

"Salamat po." Sagot ko.

Dahan dahan akong umakyat dahil sa costume kong ito. Para talaga akong Jollibee. Hays.

3rd floor, here I come!

1st floor pa lang pero hirap na hirap na ako. Kayang kaya ko 'to! Push.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon