Bigla ako nakaramdam ng hawak sa dalawa kong braso at yung labi ko dumikit sa labi niya.
It's soft, sweet, everlasting...
Napansin kong nakapikit ako at dinilat ko ito at tinulak ko si Zac palayo sakin. Tinignan niya ako at ngumiti siya. Sinampal ko siya kagad.
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya at wala na akong pake sa tingin ng mga tao sakin pero nakakabastos talaga ginawa niya.
Tumayo ako at umalis na pero narinig ko yung pangalan ko na nanggaling sa kanya.
"Uy, Alex! Ano nangyari? Bakit ka bigla umaalis?" Habol sakin ni Kathleen.
"Hindi mo ba nakita yun?" Tanong ko habang papunta ng dorm.
"Huh? Anong nakita?"
"Si Zac yung nasa mascot. Siya! Akala ko nababaliw na ako dahil buong araw isama mo pa yung kahapon, puro mascot nakikita ko. Tapos ngayon, hinalikan niya ako sa maraming tao." Inis na sagot ko.
"Hey hey. Easy. Relax. Okay? Naiintindihan ko. I mean, siguro, he's trying to reach out."
"Kathleen, matagal na kaming wala. 6 months nang nakalipas. Wala na siyang babalikan. Yun na yon."
"Okay, alam kong galit ka kaya magpahinga ka na sa dorm mo. Samahan na kita okay?" Ngiti niya.
"Um, salamat. Pero, gusto ko muna mag-isa." Sagot ko nang makarating na kami sa labas ng dormitory.
"Sure ka?"
"Oo."
"Itext mo nalang ako if you need anything." Ngiti niya.
Tumango nalang ako at umalis na siya. Nagsimula na akong umakyat at naglocked kagad ako ng pinto baka kung sakaling kumatok siya o buksan yung pinto.
I deeply breathed.
"Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip?" Tanong ko sa sarili ko at hinahawakan ko yung pisngi ko, sinasampal sampal ko.
"Gising naman ako. Pero, bakit ganon? Ang init ko." Sabi ko, "Totoo ba 'to? Totoo ba yung..."
Hinawakan ko yung labi ko at napapikit ako, "Hindi Alex. Wala na dapat siyang balikan. Ayaw mo na siya. Ayaw na ayaw mo na siya. Wala na siyang babalikan. Wala." Mahinhin kong sabi at pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
___________________Zac
"Ano ba kase binabalik mo?" Tanong ni Troy, "Bakit mo yun ginawa?"
"I thought if I kiss her, everything will be fine. But, I guess, she's... something."
"Baliw ka talaga." Tawang sabi ni Louis, "Buti ka pa. Ako, namimiss kong magparty. Magparty nga tayo, please."
"Zacky, do you think she'll forgive you for that?"
"Of course." Ngiti ko habang naglalakad kami sa sidewalk, naghahanap ng mga pagkain.
"Of course? Talagang malakas guts mo for this?"
"Yes, Troy. I believe in it."
"Teka, kakain ba tayo?" Tanong ni Louis.
"Nope."
"Huh? E, bakit ba tayo naghahanap ng mga pagkain?" Tanong ulit nito.
"Trust me." Sagot ko.
Nang makita ko yung pizza parlor, pinasok namen kagad ito at umorder ako ng maliit na box ng pizza.
"Sabi na e, satin yan noh?" Ngiti ni Louis.
I giggled, "Nope."
"Anong mood yan, Zac?" Tanong naman ni Troy.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...