ninety two; flirt

4.3K 221 22
                                    

"Trina?" Gulat na sabi ni Troy.

"It's me, dude." Tawang sabi ni Trina at sabay yakap kay Troy at nang makita niya ako, napangiti siya at yumakap rin siya.

Tumingin siya kay Zac at ang sabi, "I'm not going to hug you but you owe me a beer."

"Well, let's have a party then." Sagot naman ni Zac.

"Of course, a party! Hindi ko palalagpasin yan. Let's have a party tonight!" Aya ni Trina samin at hindi ko alam sasabihin ko kundi... oo.
_____________________

Natapos na yung mga klase ko for tonight and ayoko man pumunta pero invited nako at gusto kong kausapin si Trina, kamustahin siya. But before going to the party where I still stand in front of my mirror, my phone vibrate.

Mama.

Sinagot ko ito.

"Kamusta naman pinakamaganda kong anak?" Tanong ni mama.

"Okay naman po." Half okay, half not.

"Good. Pupunta ako dyan bukas okay? May ibibigay ako sayo at siguradong magugustuhan mo."

"Bukas?!" Gulat kong sabi at inisip kong hindi pwede.

Nandito mga gamit ni Zac. Nandito lahat ng gamit ng lalaking 'yon. Jusko, kapag nalaman niyang dito nagstastay si Zac, magkakaron ng world war 3.

"May problema ba, anak?"

"Um, ibig kong sabihin ano, um, okay sige." Sagot ko.

"Sure ka? Parang gulat na gulat ka dyan? Ngayon lang ulit ako makakadalaw sayo. Super busy ka ba?"

"Um, hindi naman, ma. Sige, text mo nalang ako kung ano oras."

"Sige, see you tomorrow anak, I love you so much." Sabi nito.

"I love you too, ma." At binaba ko na ito.

I inhale deeply, magiging okay ang lahat. Kaya ko ito.

At nagvibrate ulit yung phone ko.

Si Troy.

okay ka lang pumunta? if not maiintindihan naman ni tres yun. :/

Naalala ko na naman yung panaginip ko kagabi, at hindi naging maganda yung panaginip ko. It's weird. Really weird.

Hindi ko siya nireplyan at itrtry kong iwasan siya ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ang masasabi ko sa kanya.

Pinasok ko na yung phone ko sa bag at one last look sa mirror bago umalis.

Hinawakan ko yung dibdib ko, kulang ng necklace. Hindi bagay na walang nakalagay.

Pumunta ako sa drawer ko at binuksan ko ito, tinignan ko yung box na kung saan yung necklace na binigay niya.

Hinawakan ko ito at nagflashback yung time kung saan ko nakuha ito.

FLASHBACK

"Bakit mo ko pinapunta dito?"

"Um, I want to give you something."

"Huh?"

Kinuha niya ito sa pocket niya at isang jewelry box ang aking nakita, purple ang kulay at binigay niya sakin ito.

Binuksan ko ito at nanlaki mata ko dahil binigyan niya ako ng kwintas.

"Do you like it?"

"Oo, Zac. Pero... ang mahal nito. Hindi mo ko kailangan bigyan ng ganito."

"Don't worry, sa ukay ukay ko lang yan nakuha." Tawang sabi niya.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon