Chapter 3

877 27 0
                                    

Shawn's POV

"Dude ba't ba tayo nandito?" tanong sakin ni Rage.

"Bibili ako ng panibagong mga damit. Mga luma na'yung nasa bahay, e." sabi ko habang nakatingin sa isang polo shirt. Wala atang bagong arrival ngayon, hindi ko gusto ang mga nandito.

"Shit! Ang sexy nu'ng babae!" mahinang sabi ni Ace pero sapat na para marinig ko.

Agad akong napalingon. Para bang awtomatikong nagti-three-sixty ang ulo ko kapag nakakarinig ako ng mga ganyan.

Pagkalingon na pagkalingon nu'ng babae ay agad akong napakurap, hindi ko rin type.

"Sayo na lang pala Sid." agad na sabi ni Ace

"Ulul!"

Si Sid lang naman ang ganiyan samin, siya lang ang matinong kausap. Kapag tinanong mo, sagot agad siya. Pero pagdating sa mga babae, sa aming magkakabarkada siya lang ang seryoso. Lover boy gago.

Habang naglalakad kami ay napadaan kami sa lingerie stall at may nakitang 36-C na cup size ng bra, para bang automatiko akong binulungan ng masamang anghel.

Pumili ako ng magandang kulay at design. Habang napili ako ay saktong dumating si Ace.

"Ace anong maganda? Black o red?" tanong ko

"Tangina! 'Di mo naman agad sinabi samin na bumig─ARAY!" daing nito at hinimas himas ang likod ng ulo.

"Sid anong maganda?" tanong ko sabay pakita nu'ng dalawang bra na hawak ko.

"Para kanino ba?" tanong niya

"Basta!" natatawang sagot ko at hinintay ang kaniyang tugon

"'Yung red mas nakakapang-init ang ganiyang kulay dude." seryosong sabi niya at tumalikod na sa akin

"Ah sige." sabi ko at dumiretso na sa counter.

"Hindi ba nahihiya si Shawn sa hawak niya?" bulong ni Rage

"Ba't naman mahihiya kung para sa nanay mo naman pala ireregalo. Buti nga at alam ni Shawn yung size ng sa mama niya, e. Ang laki pala nu'ng kay Tita Shasha." komento naman ni Ace

"Mga gago!" mura ko sa mga ito

Pagkatapos naming mamili ay inilagay ko na sa backpack ko 'yung bra na binili ko. Papunta na kami ngayon sa KFC nang makasalubong namin si pantal at hapon.

Nagde-date sila? 

Nang makalapit na sila na sila sa amin ay nag-uusap at nagtatawanan pa sila. Saya, ah? Napatingin naman sa akin si pantal. Sakto! Naiimagine ko na itsura nito kapag binigay ko na sa kaniya 'to. 

"Dating huh?" pamungad ko sa kanila

Tumingin ako kay pantal! Langya talaga 'to lagi na lang pinapasaya araw ko, sarap pikunin.

"None of your business Dela Cortez." kalmadong sagot ni hapon. Tss!

"Dude kailan ka pa nagkainteres sa kasama ni Shinichi?" tanong sa akin ni Ace.

"Oo nga Shawn."

Bago pa ako sumagot ay naglakad na ako upang umalis.

"Kilala mo 'yung mga 'yun Hiro?" narinig kong tanong ni pantal kay hapon

"Yeah," sagot naman nu'ng hapon.

"Ang ganda nu'ng babae ni Shinichi, 'no Sid?" komento ni Ace

'Yung babaeng 'yon maganda?! Kailan pa nabulag si Ace?

"Oo." sagot naman ni Sid

"Sayang nga lang." sabi pa ulit ni Ace

"Bakit?" tanong ni Rage kay Ace na nailing-iling

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon