Jade's POV
"Pwede ka namang makipagselfie sakin e, dapat kasi ginising mo ko para na-inform naman ako na celebrity na pala ko sa paningin mo."
Ang yabang talaga ng manyak na 'to! Grabe biglang nawala lahat ng pawis ko sa katawan ah.
Dahil isa ako sa mga libo-libong babaeng minsan lang makipag-selfie ay nagselfie kaming dalawa ni Shawn. Kung ano anong klaseng pose, 'di pa nakuntento nagvideo pa kami.
Sumali na rin samin sina Ace kaya nagselfie rin kami. Ang cute ngang ngumiti ni Trick at Rage e. Mamaya papasa ko 'to kay Bea.
"Bea?" mahinang sabi ko sa sarili ko. Hala!? Naiwan ko siya du'n sa garden. Nako naman oh!
Dali-dali akong tumayo at isinabit ulit ang backpack ko sa likuran ko.
"Saan ka pupunta pantal?" tanong sakin ni manyak. Hindi ko na siya nilingon pa.
"Sa garden, naiwan ko dun si Bea eh. 'Di pa kayo tapos 'no? May next subject pa kayo diba? Intayin na lang kita sa waiting shed du'n sa car park." sabi ko sabay takbo na paalis.
Tss! Nakakainis kasi si Shawn. Baka hinahanap na ko ni Bea. Nako naman!
Habang naglalakad na ko papuntang garden ay biglang nagvibrate 'yung cellphone ko. Agad ko iyong kinuha.
Shawn
Nasaan ka na? Text mo ko kapag nakita mo na yung kaibigan mo.
Ewan ko sayo!
Sa sobrang inis ko ay agad kong sinuksok 'yung cellphone ko sa pinakadulo ng bag ko.
"Isa Jade! Hindi ka lalapit dito?!" inis na sigaw ni manyak.
Jusko! Ang daming taong nagtitinginan samin. Baka isipin nilang kami ng walangyang 'to!
Kami? Sinabi ko ba 'yung word na 'kami'? Eww!
Hindi pa rin ako lumapit sakaniya, mas lalo pa kong lumayo para mainis pa siya sakin.
"Dalawa Jade!" sigaw pa nito kaya mas lalong dumami 'yung mga taong nanonood dito samin.
"Tatlo!" pang-aasar ko sakaniya
"Ano bang problema mo ha?" inis na na sigaw nito at iniharap ako sakaniya.
Problema ko?! Wala lang naman.
'Yan sana 'yung gusto kong sabihin pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Langya!
Yumuko ako at napakagat sa ibabang labi ko. Nakakainis! Bakit ko ba ginagawang big deal 'yung panti-trip niya sakin sa text? Kanina parang okay kami kasi nakipagselfie pa ko sakaniya ngayon naiinis na naman ako. Ugh! Gulo!
"Jade..." napa-angat agad 'yung ulo ko nang huminahon siya. Nakita ko agad 'yung parehas ng mga mata niya na parang hinihigop ako sa sobrang ganda nito. "Gusto mo ba ng ice cream? Tara ice cream tayo?" seryosong sabi nito sakin.
Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko na lang. Ang sarap asarin ng manyak na 'to eh.
Hindi na ko nagsalita pa at nagpatangay na lang sakaniya.
Shawn's POV
Leche! Ano bang nangyayari sakin langya! Bakit ganu'n 'yung nasabi ko? Nga naman oh!
![](https://img.wattpad.com/cover/55593212-288-k164158.jpg)
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Novela JuvenilJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...