Trick's POV
"Oh shit!" napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magmura.
"Sorry po."
Karamihan ng mga estudyanteng nandito ay nakuha ni Bea ang atensyon.
"What's your problem, dude?" halata mo ang pagkainis ni Bea dahil natapunan ang kaniyang palda.
"'Yung crush mong sophomore 'pre."
"Ah si Clifford, ganda 'no? Ang kaso may syota na 'pre."
"Sino 'pre?"
"Si Reyes ng basketball team."
"Nagkabalikan na sila? Ang sabi sakin ng girlfriend ko kakabreak lang daw nu'n, e."
"'Di nga 'pre? Popormahan ko agad 'yan."
Gago 'tong mga 'to, ah. Girlfriend ko pinagdidiskitahan. 'Di kami nagbreak.
Napatingin naman ako kay Sid na tumapik sa akin at saka ininguso ang table nila Jade.
"May tumulak po kasi sakin. Sorry po ulit!" paghingi ulit ng dispensa nu'ng lalaking tinulak ni Shawn.
"Hi, Tina!"
Pagkapasok pa lang namin sa canteen ay una naming narinig ang boses ng pinsan ni Shawn.
Napatingin kami kay Shawn na umupo sa pwesto na malapit sa table nina Jade.
Sumunod naman kaming apat kay Shawn kahit na hindi ito ang madalas naming pwestuhan kapag sa canteen kami nakain.
Dinig na dinig mo ang pinag-uusapan nila dahil isang table lang ang pagitan namin.
"Oh Tina?" tanong ni Sean kay Jade dahil mukhang nagulat ito kaya tumango si Jade at uminom ng tubig niya.
"Bili na ko mga dude." sabi ni Ace at tumayo na papuntang counter.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat ha koreano?" muli akong napatingin sa table nina Jade nang magsalita si Bea.
"Uhm sige kumain muna kayo. Wait bili lang din ako." tumayo rin si Sean upang bumili rin.
"Bili na rin ako," tumayo si Rage
"Sama na ko dude," sabi naman ni Sid at tumayo. "Kayo dalawang gago, hindi kayo mabubusog sa pagtitig kina Jade." pahabol na sabi niya
"Bili mo na lang kami." sabi ko ngunit bigla ring tumayo si Shawn.
"Sama na─" natigilan si Shawn nang makitang nakabalik na ang kaniyang pinsan.
"Tina─uh," sa pagtawag ni Sean kay Jade ay makikitang may dumi ito sa ibaba ng labi.
"Ha?" nagtatakang tanong naman ni Jade.
"Wait..." hindi ko alam kung anong ibig sabihin nang sinabi nito pero mukhang pupunasan niya ang dumi sa ibaba ng labi ni Jade kaya napatingin kami nina Sid kay Shawn.
Nakatitig lang ito sa dalawa, nang akmang pupunasan na nga ng kaniyang pinsan ang ibaba ng labi ni Jade ay saktong may dumaan na lalaki kaya pasimpleng itinulak ito ni Shawn.
"Gago Dela Cortez, bakit kay Bea!" mura ko sa kaniya
"Ugh! Rest room lang ako." paalam ni Bea

BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...