Chapter 36

292 8 7
                                        

Ace's POV

"Tangina naman Rage, e. Kung natulong ka kasi sa paghahanap kay Trick at Shawn!" inis na sabi ko kay Rage at nagpatuloy sa pagkalikot sa cellphone ko. 

Shit 'yan, imbes na mga babae at 'yung kagwapuhan ko ang atupagin ko, 'yung dalawang gagong 'yun ang pinoproblema ko.

"Sa tingin niyo tama ba 'yung naging desisyon ni Shawn?" tanong ni Sid sa amin na naging dahilan upang mapalingon ang gwapo kong pagmumukha sa kaniya. 

"Hindi ko alam kung bakit naging ganito kakumplikado." seryosong sabi ni Rage

"Tangina! Tangina! Tangina!" napalingon kami sa malulutong na mura ni Trick na kakapasok lang dito sa rooftop at pinagsusuntok ang pinto nito. 

Problema nito? 

"Dude bakit?" tanong ni Sid habang kinakalma si Trick.

"Tangina dude, tama naman 'yung ginawa ko 'di ba? Tama namang humingi ako ng space kapag nasasakal na ko 'di ba? Shit!" 

"What do you mean, dude?" nagtatakang tanong ng gwapong si ako. 

"Nakipagcool-off ako kay Bea."  sabi  ni Trick at tumingala habang nakapikit.

"Oh shit!" gulat na mura naman ni Rage

"Tangina naman dude, bakit sumabay ka pa kay Shawn? 'Di ba pwedeng next week na lang 'yan? Shit nakaka-stress kayo, e." sabi ko at umaktong nahihirapan na.


Dahil hindi na nakayanan ng aking kagwapuhan ang mga kagaguhan ng mga kaibigan ko ay lumabas na lang ako ng rooftop at pumuntang cafeteria. 

"Makapaghanap na nga lang ng chix." bulong ko sa sarili ko. 

Kakapasok ko palang ng cafeteria nang mag-iritan ang mga babes ko.

"Gosh nandito rin si Ace!"

Napangiti ako sa mga bulungan at sigawan ng mga babae rito. 

Agad akong naglakad papuntang counter para maka-order na nang maghawian ang mga nakapila. Ngunit may isang hangal na lalaki na tila akala mo magkasing gwapo kami at ayaw tumabi.

"Dude," tawag ko at tinapik ang balikat niya.

Humarap siya sa akin at ngumisi. Aba ang lokong 'to may pagngisi pa, mukha namang aso!

Ngumisi rin ako, "Bago ka lang ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita, e." tanong ko

"Yeah, an exchange student from Canada. I'm Gavin Miller and you are?"

Tangina!

"Ace Valderama, ang heartthrob ng H.U." ngisi ko at itinabi siya sa gilid habang nakahawak ako sa kaniyang kanang balikat.

"I don't give a damn, so can you please move a bit 'cause I was about to get my order." sabi niya 

"Dude, nasa Pilipinas ka na baka gusto mong paduguin ko 'yang ilong mo." inis na sabi ko at itinulak siya sa balikat. 

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon