Chapter 47

87 2 7
                                    

Shawn's POV

2 years ago

2nd anniversary namin ni Erin ngayon at balak ko siyang surpresahin, nandito ako ngayon sa Quarter Garden. Nakaayos na ang lahat, ang mga petals na nakakalat sa sahig, ang isang grupo ng orchestra na tutugtog.

Saktong 8 pm ay dumating siya may dala dalang envelope hindi gaanong kalaki, nakangiti ito na parang may maganda siyang sasabihin sa akin.

Hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi hanggang sa makalapit siya sa akin, ibinigay ko ang isang bouquet ng flowers sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

"You look happy, what's the matter?" tanong ko ng makaupo kami

"It's very good news, babe."

"What?" hindi mawala ang ngiti ko

"Surprise!" nakangiti niyang sabi at itinaas ang envelope na hawak niya simula pa kanina.

"What's that?"

"It's for you to find out." sabi niya at ibinigay niya sa akin ang envelope

Nakangiti ko itong binuksan at parang nagslow-mo ang lahat habang binubuksan ko ang ibinigay niya.

"Congratulations, Ms. Erin Smith you've passed the entrance exam to Belloise School of Arts and Design in Italy."

Ang dating nakangiting mukha ay biglang nagbago.

"I-Italy?" nauutal na tanong ko at tumingin sa kaniya

"Yes, why?" tanong niya sa akin

"Erin, Italy 'yon? Ilang taon kang titira roon? Ilang taon kang mag-aaral doon? Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sakin?"

"What's the matter? Aren't you happy for me?"

"Erin, hindi 'yung airplane ticket o kahit ano 'yung problema ko dito? Tangina kahit araw-araw akong magpabalik balik sa Italy walang kaso 'yun sakin. Ang akin lang kailan pa 'to? Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Bakit  ka naglihim?" pinipilit kong pigilan ang galit na namumuo sa boses ko. Tangina!

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon