Jade's POV
Nakasimangot ako habang naglalakad papuntang Music Building. Imbes kasi na nagpipinta na ako ay eto ako ngayon at papunta sa lokong pinsan ng manyak na 'yon.
"Aish!" bulong ko sabay gulo ng buhok ko. Naiinis ako sa sarili ko.
Kahit na kailangan kong magpinta para sa canvass ko ay mas pinili ko pa rin ang pumunta kay Sean.
Nasa loob na ako ng auditorium nitong Music Building nang biglang may tumunog galing sa stage.
Isang pamilyar na boses ng isang koreano ang umalingawngaw pagkatapos ng nakakabinging tunog.
"Sean?" tawag ko para masiguro kung siya nga iyon.
"Tina!" sigaw niya mula sa stage at saka binuksan ang ilaw.
"Halika, Tina." tawag niya habang sinesenyasan akong pumunta sa stage nang may malaking ngiti sa labi.
Nagtungo ako sa kaniya habang takag-taka.
"Ano bang gagawin natin?" tanong ko
"Basta!" sabi niya, "Tina do you know how to play a drum?" tanong niya at saka umupo sa tapat ng isang drumset.
Umiling ako habang pinapanood siyang i-connect ang kaniyang cellphone sa isang 'di ko alam kung anong tawag.
Tumunog ang isang rock song at nagsimula na siyang sabayan ang beat gamit ang stick na inihahampas niya sa drum.
Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang matapos ang pagtugtog niya. Parang ibang Sean ang nakita ko habang natugtog siya. Hindi siya 'yung tipo ng Sean na makulit at maamo ang mukha. Ibang iba sa light na Sean ang ipinakita niyang angas.
"Tina?" tawag niya sa akin nang makita akong hindi nagalaw at nagsasalita.
Ikinaway niya ang kaniyang kamay sa aking harapan kaya nagbalik ako sa realidad.
"Ya─"
"Ha? Oo, ang galing mo." ngumiti ako kaya ngumiti rin siya.
"Do you like it?" tanong niya
Tumingin ako sa kaniya nang may gulat na ekspresyon, "Tinanong mo pa talaga ako ha Sean! Shet ka, ang angas mo kaya! Alam mo may kamukha ka nga, eh. Si Kang Minhyuk! Kamukha mo siya!" sabi ko habang naglalabas ng feels bilang isang fangirl.
"K-kang Minhyuk, CNBlue?" tanong niya habng nakangiti
Tumango ako, kamukha niya talaga.
Nakangiti siya habang nailing-iling. Hinila niya ako papunta sa kabilang side ng stage kung saan naroon ang mga gitara at violin.
Naagaw ng atensyon ko ang isang kulay brown na gitara na may simpleng design lang.
"Nice choice, yepuda." sabi ni Sean
Umupo ako sa isang high chair at nagsimulang i-strum ang mga strings.
"Woah!" komento niya
I miss this feeling, nu'ng last year kasi nasira ni Jervin ang gitara ko kaya hindi na ako nakakatugtog, hindi ko rin alam kung marunong pa ako.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...