Chapter 35

325 11 16
                                    

Jade's POV

Ano ba Jade? Hindi ka pwedeng umiyak! Hindi ngayon!

Papalabas na ako ng mansion nina manyak ngayon, alam kong nakatingin pa rin silang lahat sa akin kaya wala akong balak lumingon.

"Jade!" hindi ko nilingon si Bea nang tawagin niya ako. "Oh my gosh!" malungkot niyang sambit at hinawakan ako sa kanang kamay.



📞 Sid


Patuloy pa rin sa pagtunog ang cellphone ko at wala akong balak sagutin ito dahil paniguradong si Sid na naman 'to.

"Sinabi ko naman sayo na may babae talaga 'yang manyak mo!" lasing na sabi ni Bea, nandito kami ngayon sa kwarto ko at bumili siya ng isang dosenang San Mig in can.

Naramdaman ko na naman ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglabas ng aking hikbi.

"I know it hurts, Jade. Ang lokohin at paasahin, sanay na ako d'yan... naranasan ko 'yan sa mismong mom ko." napatingin ako kay Bea na tumulo na rin ang luha kagaya ko.

"Kahapon naman ayos kami, Bea." sabi ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Hindi niya naman si-sinabing..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at nagsimula na akong humagulgol.

6 buwan pa lang kitang nakikilala at nakakasama manyak, pero bakit parang nahihirapan na ko?

Bakit ang sakit sakit na?

"Bea, ganito ba kapag nagmahal ka kailangang masaktan?" tanong ko, ngumiti siya sa akin saka nagsalita.

"It's not love if you are not hurting. Ironic, right?" humalakhak siya at nagpatuloy, "And I'm the personification of irony."

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.



"And'yan ba si Jade?"

"Wala, e. Umuwi na agad, nagmamadali nga siya, e."

Kinatok ako ni Kia sa CR, kaklase ko.

"Wala na Jade." sabi niya

"Salamat,"

Agad akong lumabas ng room namin, ang kulit kasi nina Ace, e. Nu'ng isang araw pa sila gan'yan.

Habang naglalakad ako ay lumilingon ako sa likuran ko, dahil baka sinusundan na ako nina Ace. Hindi ko na namamalayan ang nilalakaran ko kaya naman bumalik ako sa reyalidad nang may makabungguan ako.

Dali-dali akong umupo para pulutin ang mga gamit na nalaglag ko.

"Gwenchana, no─Tina?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa isang pamilyar na boses at tawag.

"Uh,"

"Woah, what happened to your face?" tanong niya habang inaakto pa sa sariling mukha ang kapangitan ko ngayon.

"Ah wala." sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Ha? I'm not buying that." nagtatakang tanong niya at inatras ang pagkakalapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Sean, aalis na ko. Nagmamadali kasi ako, e." pagpapaalam ko at tumalikod na agad sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

Saktong pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay nakasalubong ko siya.







Bea's POV

"Ano ba Trick?" sigaw ko nang maipasok niya ako sa loob ng Hillux niya.

"Mag-usap tayo Bea, please." mahinahong sabi niya.

"For what? Para saan pa?"

"Makinig ka muna, hindi alam ni Sha─"

"Oh, hindi niya alam na bumalik na 'yung girlfriend niya? Sabihin mo 'to sa gago mong kaibigan, isa siyang malaking shit!" inis na sigaw ko

Napapikit si Trick at pinisil ang kaniyang bridge sa ilong.

"You know what Bea? Nahihirapan na akong intindihin ka. Nagsasawa na ko sa mga away natin. Walang araw na wala tayong pinagtalunan, hindi ka marunong makinig sa explanation ng iba..." huminga siya nang malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita, "Palagi na lang na ikaw 'yung tama, na ikaw na lang lagi 'yung may tamang desisyon. I love you but I think my love for you is not enough. So please babe, try to understand me. I need space, I need time to think and I need to breathe."

"What? Are you breaking up with me?" matigas na tanong ko

Umiling siya, "No, just a cool-off." sabi niya at lumabas na ng kotse niya.

Naiwan akong sa loob nito na tulala at pilit na cino-compose ang sarili dahil hindi pwedeng makita ako nang kahit sino na mahina, hindi ako ganon. 

"Gosh!" mahinang sabi ko at hinampas ang aking bag sa hita.






Jade's POV

Maglalakad na sana ulit ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Mag-usap tayo." malamig niyang sabi

Napatitig ako sa mukha niya, laking gulat ko na lang nang makitang puro pasa ito.

Anong na-nangyari dito?

"Give me 10 minutes, Jade." pakiusap niya kaya tumango ako at sumunod sa kaniya.

"B-bakit?" tanong ko nang dalhin niya ako sa likod ng HRM Building.

"Titigil na ko sa panliligaw," huminga siya ng malalim, kasabay ng paghinga niya ay tumulo na ang mga luha ko. "I realized na mahal ko pa rin pala si Erin, na siya pa rin pala hanggang ngayon..."

Tumungo ako habang walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

"I'm sorry kung ginamit pa kita para lang mapunan 'yung pangungulila ko sa pagmamahal ni Erin... pero Jade siya pa rin talaga."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti kahit na umiiyak pa rin ako.

"Naiintind-dihan ko, pero minahal mo rin ba ako?" nahihirapang tanong ko sa kaniya.

Mas lalo akong nasaktan ng umiling siya, "No," tinitigan niya ako sa mata at nagpatuloy sa pagsasalita, "Wala akong naramdamang kahit ano sayo, walang love nor infatuation... I'm sorry, Jade pero wala talaga." sabi niya

"Sorry kung nag-expect ako." sabi ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Times up, I'm sorry ulit Jade. Sana maintindihan mo." sabi niya at umalis na.

Napaupo ako dahil sa panghihina ng tuhod ko, isinubsob ko ang ulo ko sa aking tuhod ang saka umiyak nang umiyak.

"Ako kasi manyak, minahal na kita." 






Third Person's POV

"Oh my gosh, sino 'yang tatlong gwapong 'yan?"

"I heard na mga exchange students sila galing Canada."

"Ang gwapo nila!"

"Sabi sabi magpipinsan daw 'yang tatlong 'yan, e. "

"Talaga girl? Oh my, may panibagong hottie na naman dito sa H.U."


Napuno ng tilian, sigawan, at tsismisan ang buong cafeteria nang pumasok ang tatlong nagga-gwapuhang lalaking na may mga bitbit na gitara.

Ngumiti ang matangkad at may dimple na lalaki sa mga babae na naging dahilan ng pagwawala ng mga estudyante.

Kumaway naman ang isang medyo payat na lalaki at saka nagkamot ng kaniyang batok.

Pero ang pumukaw ng atensyon ng mga kakaibihan ay ang medyo suplado at walang pakialam na lalaking ito.

Walang humpay ang iritan at sigawan ng mga babae ito na tila mo ay nakakita ng mga artista.




My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon