Chapter 4

784 27 2
                                    

Jade's POV

Inis akong nag-aayos ng gamit dahil tapos na ang klase ko ngayong hapon. Hindi maalis sa isip ko ang binigay ng manyak na 'yon na 36-C cup size ng bra. Hindi niya ba naisip na pang pwet ko na 'yun?

Pauwi na sana ako ng biglang may nagsulputang tatlong lalaki sa harapan ko.

"Yo!" bati sa akin ni Rage

"Jade uuwi ka na?" tanong naman sakin ni Ace

"Yup." nakangiting sagot ko

"Sabay-sabay na tayo." suhestiyon ni Sid

"Ay? Kilala niya sina Ace?"

"Oo nga, e. Nu'ng isang araw balita rin na siya ang student buddy nina Shawn at Hiro."

Halos kung anu-anong bulungan at chismis ang bumungad sa akin bago ako lumabas ng gate ng university.

"Jade kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mong mag-ice cream, treat daw ni Rage." napabalik na lang ako sa sarili ko nang biglang nagtanong si Ace.

"Ha? Sige ba!" sabi ko na at nagpatuloy na sa paglalakad kasabay nila.

Hindi rin naman malayo ang tinutukoy nilang ice cream shop mula dito sa university dahil malapit din ito sa plaza.

Pagkapasok namin sa shop ay biglang nagsi-upuan naman silang tatlo na para bang welcome na welcome sila dito.

"Naparito kayo mga iho." sabi nu'ng babaeng matanda na kasing edaran ni Mama kung nabubuhay pa siya ngayon. Maganda ito, maputi, makinis ang balat at maikli ang buhok.

"Hi Tita!" sabay sabay na bati nu'ng tatlo. Ngumiti ito at napatingin sa akin.

"Bagong girl mo Ace?" sabi niya sabay turo sakin

"Ay hindi po tita. Kaibigan lang po namin 'yan. Si Jade nga po pala." pagpapakilala sakin ni Ace du'n sa tinatawag nilang tita.

"I see. Bakit wala ata si Shawn?" tanong nu'ng tinatawag nilang tita.

"Nandu'n pa po sa school pinatawag ni Mr. Somber, e." sagot naman ni Sid dito

"Tita si Trick po?" tanong ni Rage habang inaalis ang bag nito upang ilagay sa kabilang upuan

"Nasa bahay, e. Ayaw pang pumasok." sagot naman nu'ng tita nila.

"Tita order po kami!" nakangiting sabi ni Ace

"Oh, ano bang gusto niyo?" tanong nu'ng tita na mama ni Trick na isa sa mga kaibigan nila na hindi ko pa name-meet.

"'Yung dati pa rin po." magaang sabi ni Rage

"Ikaw Jade anong gusto mo?" tanong sa akin ni Ace at iniabot ang menu list nila.

"Iha gusto mo ba matry 'yung bago naming flavor na Bananutella? Sigurado akong magugustuhan mo 'yon. Ngayon pa lang namin ilalabas 'yon." suggest nito sa akin bago ilagay ang aipron niya

"Ang daya ni tita Toni!" reklamo ni Ace dito

"Syempre ladies first muna. Dapat si Jade muna ang makatikim nu'n, bago kayo." natatawang sabi ni tita at sinimulan nang gawin ang mga order namin.

Habang kinakain namin 'yung mga ice cream namin ay nagkwentuhan kaming apat. Nalaman ko na matagal na pala silang magkakaibigang lima, simula pa lang noong middle school. Nagkakilala ang mga ito dahil din daw sa pagsusuntukan ni Shawn at Sid noon.

"Ah guys?" tawag ko sa atensyon nilang tatlo.

Naputol ang tawanan nila at apatingin naman sila sa gawi ko.

"Bakit Jade?" tanong ni Sid

"Uhmm, may itatanong lang sana ako sainyo." sabi ko

"Sige. Ano ba 'yun?" tanong sa akin ni Rage

"Alam niyo ba na binigyan ako ni Shawn ng br─este gift kanina?" tanong ko

"Ikaw binigyan ni Shawn ng regalo?" nagtatakang tanong ni Ace

Tumango naman ako bilang tugon.

"Anong regalo?" tanong ni Sid

"Ah, nevermind!" sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagkain nung ice cream

Pagkatapos naming kumain at napagpasyahan na naming umuwi. Nagpaalam at nagpasalamat kami kay Tita Toni bago umalis ng shop nila.

Naglalakad na kami ngayon dahil 'yun ang suggest ko para marami pa kaming mapagkwentuhan. Pumayag naman sila. Maglalakad ba kami ngayon kung hindi sila pumayag?

Nasa tapat na kami ng bahay namin ngayon.

"Dito na ba ang sainyo Jade?" tanong sakin ni Sid

" Yup." nakangiting sagot ko

"Uhm, ang─"

"Ate, ang tagal mo naman kanina pa kita inaantay dito, e."

Dali-daling binuksan ni Jervin 'yung gate at lumabas. Hinigit higit nito ang maikli kong palda.

"Jervin! Masira." saway ko sakanya

"Kiss! Kiss!"

Umupo ako para maging kapantay ko sya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Jervin.

"Ah, si Jervin nga pala kapatid ko." pagpapakilala ko sa kanila

"Hello!" nakangiting bati ni Jervin sabay kaway sa mga ito.

Nakangiti rin namang binati ng tatlo si Jervin. Si Ace ay nakipag-apir pa dito kaya laking tuwa naman ni Jervin.

"Hi Jervin. I'm Kuya Ace. This Kuya Rage and he's Kuya Sid. So ngayon, sinong mas pogi saming tatlo?" pabirong tanong ni Ace dito

Masayang tinuro ni Jervin si Sid na nasa likod nina Ace at Rage.

"Pano ba 'yan Ace, hindi nagsisinungaling ang mga bata." komento ni Sid sabay pinisil ang pisngi ng kapatid ko

Pumasok saglit sina Ace sa loob at pinaghanda ko ng juice. Nilaro nila ng nilaro si Jervin hanggang sa mapagod ito at nakatulog. Pagkatapos nu'n ay nagpaalam na sila na umuwi. Kinuha rin nila ang cellphone number ko para daw kapag may kailangan ako ay itext ko na lang daw sila at to the rescue naman daw sila.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at tinetext si Papa.

Papa

Pa, nakatulog na po ng maaga si Jervin. Tapos ko na din po ang mga assignments ko. Tutulog na po ako Pa. Goodnight. Ingat po kayo dyan ha? Wag kayong magpapagod. I love you po.


Sinave ko na rin 'yung number nu'ng tatlo kanina bago sila umalis dahil nagpupumilit si Ace. Itatabi ko na sana 'yung phone ko ng bigla itong magvibrate.

Galing ito sa isang unregistered number kaya kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyon.

Unknown Number

Sino 'to?

Secret! 🤪

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na sagutin ang mensaheng iyon, dahil baka isa lamang itong spam messages. Kaya minabuti kong hintayin na lang ang text ni papa bago ko mapagdesisyunang matulog na rin nang maaga.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon