Chapter 21

616 25 0
                                    

Jade's POV

Malala na ata talaga sapak ko rito. Paano ba naman ka─

"Hoy nakikinig ka ba?"

"Ha?" nasabi ko na lang dahil hindi ko naman siya naiintindihan.

"Maghinuli ka nga." inis na sabi nito sakin

"Ikaw ang maghinuli dami mo ng luga! Ayan oh labas na nga e." sabi ko sabay turo sa taknga niya. Pero syempre joke lang 'yun, ang linis kaya nitong lalaking 'to sa katawan at sobrang bango pa lagi.

"Tss." tanging sabi na lamang nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Uh, aware ba siya na kinikilig ako?

Hindi ko naman siya crush at ni wala rin akong special feelings sa kaniya pero kinikilig ako. So ano 'to? False alarm? False alarm naman saan? 

Napahinto kami habang naglalakad. Actually ako lang talaga 'yung napahinto, nakita ko kasi 'yung ihawan e. Parang natakam ako bigla.

"Ano na pantal?" tawag nito sakin dahil nga magkahawak kami ng kamay ay napatigil din siya nu'ng tumigil ako at pilit akong hinihila.

"Gusto ko nito manyak." sabi ko sabay turo du'n sa isaw, dugo, adidas, ulo, kalamares at iba.

"Nahihibang ka na ba?" tanong nito na may halong inis. "Ang dumi-dumi n'yan. Tingnan mo oh, nasa tabing kalsada lang. Nauusukan ng mga sasakyan, at saka tingnan mo 'yung kamay nu'ng babae oh, ang dumi-dumi tapos pinanghahawak niya sa stick ng mga kadiri niyang tinda." dagdag pa niya.

Napatingin na lang ako sa kaniya. Halatado sa mukha nito ang pagkadiri sa mga iniihaw at sa nag-iihaw.

"Ano mga anak, bibili ba kayo?" tanong samin nu'ng ale.

"Ah o─"

"No thanks." masungit na sabi ni manyak at hinila ulit ako.

"Ano ba!" sabi ko dito at binitawan ang kamay niyang kanina pa nakakapit sa kamay ko. "Gusto ko nu'n e, hindi naman ikaw ang magbabayad at kakain, e." inis na sabi ko sa manyak na 'to sabay talikod.

"Oh iha, akala ko ba ayaw niyo ng boyfriend mo." tanong naman sakin ng ale.

Boyfriend? Sinong boyfriend ko? May boyfriend na ba ko? 

Napatingin ako kay ale na mahinang tumatawa at nag-iiling pa ng ulo.

"Ano bang sayo anak?" nakangiting tanong nito sakin.

"Ate lima nga pong isaw at anim na dugo." sabi ko na lang at habang hinihintay 'yung isaw at dugo ko ay naupo muna ko sa may gilid.

Napabalingkwas ako nang may nakita akong anino sa harapan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko.

"Ah excuse me. What's your name, Miss?" tanong ng manyak na 'to. Aba't ngiting ngiti pa! Hmp.

"Nagjojoke ka b─"

"Ikaw si Lyn my loves 'no?"

Napatitig lang ako sa kaniya. Sabi na nga ba! Tama ako may girlfriend na itong si manyak pero kunyari pa.

"Alam m─"

"Ang mamaha-lyn ko bukas at sa mga susunod pang bukas." nakangiting sabi nito at kinindatan pa ko ng manyak!

Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko. 

"Mukha kang baliw." paninira ng moment ng manyak na 'to

"Luto na 'tong isaw mo neng!" sabi nu'ng ale kaya agad agad akong lumapit dito.

Kakainin ko na sana 'yung isaw ko ng biglang kinuha iyon ni manyak.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon