Bea's POV
Nagpupunas ako ng pawis ko dahil katatapos lang ng performance namin, magkahiwalay kami ng dressing room ni Jade kaya hindi ko pa siya nakikita ngayon.
"Bea, may nagpapabigay nito sa'yo." napatigil ako sa pagpupunas ng may iabot sakin ang isa kong ka-member na boquet ng bulaklak—blue roses.
"Ngayon ko lang nalaman na may blue roses pala," natatawang sabi pa nito.
"Sinong nagbigay?" tanong ko
"Hindi ko alam, basta pinaabot lang sakin, e." sagot niya saka umalis.
Napatitig ako sa mga bulaklak, alam ng nagbigay ang paborito kong kulay. Ilalagay ko na sana ito sa table ng may malaglag na note, kaya dinampot ko ito.
'I miss you,'
Nanlaki ang mga mata ko dahil kilalang kilala ko ang sulat kamay na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali, sa kaniya ito.
Isang linggo ang meron kami upang magpahinga dahil katatapos lang ng College Night at ang susunod na ay Finals.
"Ha?" malakas na sigaw ni Jade kaya tinakpan ko ang kaniyang bibig.
Shit, nasa public place kami!
"Ano ka ba? Hinaan mo nga 'yang boses mo, nakakahiya ka!" saway ko sa kaniya kaya itinikom naman niya ang kaniyang bibig.
"Pero totoo nga na siya 'yung nagbigay ng bulaklak sa'yo?" pagkumpirma niya kaya tumango naman ako.
"Sigurado ka? I mean, bakit siya magbibigay ng bulaklak sa'yo, e hindi naman siya nagpapakita dalawang linggo na."
Napaisip ako sa sinabi ni Jade, pero kasi 'yung penmanship kagaya ng kaniya—hindi talaga ako pwedeng magkamali.
"Ah basta, sigurado ako na sa kaniya 'yun galing." sabi ko at saka ibinalik ang librong kinuha ko sa book shelf.
"Shit," napatingin ako kay Jade na nagtatago na sa likod ko.
"Bakit?" tanong ko naman sakaniya kaya itinuro niya sina Shawn kasama si Ace na papasok ngayon dito.
"What the, baka nandito rin si Trick." pabulong na sabi ko kaya magkahiwalay kaming nagtago ni Jade nasa pinakadulong shelf ako at nagkunwaring natingin tingin ng mga libro.
"Dude ano sa tingin mong magandang pangregalo?" tanong ni Ace kay Shawn, magkatalikuran kami kaya rinig ko 'yung pinaguusapan nila.
"Kanino mo ba ibibigay?" tanong ni Shawn kay Ace.
"Kay Jade, birthday niya na sa isang araw 'di ba?" sagot naman ni Ace
"Kailan?"
"Sa isang araw dude, hindi mo alam? May inaayos na ngang blow-out party sina Sid sa bar, e." sabi pa ni Ace.
Shit, sasabihin ko ba 'to kay Jade?
"Anong plano?" tanong pa ni Shawn kay Ace.
"Mamaya pa pagpaplanuhan sa bar nila Sid, sa ngayon bumili ka na ng pangregalo mo sa pantal mo. Siguro naman magugustuhan ni Jade 'tong librong 'to."
Tumagilid ako para makita silang dalawa, pero agad din akong napaiwas at napapikit.
The fuck! Fifty Shades Trilogy? Seriously Ace?
Napahinga ako ng malalim nang makitang umalis na silang dalawa, at agad na lumapit sakin si Jade na pasimpleng sinisilip ang dalawa.
"Kailangan ko na ring umalis Bea." sabi nito habang nakatingin sa kaniyang cellphone.
![](https://img.wattpad.com/cover/55593212-288-k164158.jpg)
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...