Shawn's POV
"Are you sure? Hindi na lang ako sasama Erin."
[I'm fine. Sumama ka na, Shawn 'wag mo kong alalahanin.]
"Bu—"
[Sumama ka na Shawn.]
Mga ilang minuto pa kami nag-usap at pagkatapos ay ibinaba ko na rin ang tawag dahil bawal siyang mapuyat.
Tumingin ako sa orasan sa kwarto ko. Mag-aalas nuebe na at ang sabi ni Sid ay alas diez ang simula ng party.
Bumangon ako para mag-ayos ng sarili.
Shit, ano nga pa lang susuotin ko?
"Eto?"
"Okay lang p—"
Hinubad ko iyon at ibinato. Hindi ko gusto, masyadong fitted, mukhang akong suman.
"Ayoko nito, mukha akong tanga."
Muli kong hinubad ang sinukat kong damit at inihagis iyon sa kama. Paulit-ulit akong nagsukat at wala pa rin akong natitipuhan.
"How do I look?" tanong ko kay Fred
"Young master, ano po bang pupuntahan niyo?" balik na tanong niya sa akin.
"Birthday party?" nag-aalangang sabi ko
"Uhm, siguro po kung saan kayo komportable 'yun na lang po ang isuot niyo, young master."
Umalis na si Fred pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin kaya humanap ako ng simple at maayos na damit ko.
Pagkatapos ng 15 minutes ay humarap na ako sa salamin.
"Siguro ayos na 'to." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko.
Ace's POV
"Dude sigurado ka bang pupunta si Jade?" tanong ko kay Sid na kasalukuyang nag-aayos ng mga alak sa lamesa.
"Oo," iritang sagot nito at iniwan akong nakaupo sa couch.
Ako pa ang mag-isa kaya naman hinigit ko pababa ang suot kong beanie para matakluban ang mata ko at para makaidlip muna ako.
Leche, kaninang umaga habang naliligo ako akala ko may cancer na ko. 'yung mga buhok ko kasi sa baba nalalagas na, lintek 'yan.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may marinig akong mga boses papalapit sa akin.
"Gago ka talaga Reyes, hindi mo rin naman natiis na kupal ka."
Tanging tawa lamang ang narinig kong ganti ni Trick kay Rage.
"Kailan pa kayo nagkabalikan?" tanong ni Rage.
"Nu—"
"Tangina, kayo na ulit?" malakas na tanong ko sabay anggat ng beanie sa mga mata ko.
"Gago ka akala ko tulog kang hayop ka!" sigaw sa akin ni Trick sabay suntok sa dibdib ko. Putanginang 'to akala mo naman gwapo ang gago kung makasuntok sa macho kong katawan.
"Pero seryoso dude, kayo na nga ulit?" tanong ko naman
Tumango si Trick na ikinasigaw naming dalawa ni Rage sabay dagan sa kaniya.
Kingina kahit naman anong mangyari sa mga relasyon ng mga gagong 'to suportado pa rin namin ang isa't isa.
Habang nagtatawanan kaming tatlo ay dumating na si Bea at si Jade na nakapiring.
Walang nagsasalita sa aming lahat dahil ayaw naming mabuko, syempre kapag nabuko kami baka magwalk-out si Jade e 'di nasayang pagod naming mga gwapo? Actually, si Sid lang kasi siya lang nag-ayos dito pero hindi pa rin mababago na ako ang pinakagwapo sa amin.

BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Roman pour AdolescentsJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...