Chapter 49

70 3 2
                                    

Third Person's POV

Halata mong busy ang lahat sa pagpaplano sa kanilang outing sa isang araw.

"Kami na sa grocery," sabi ni Bea habang nakataas pa ang kamay.

Tumango naman ang lahat at ibinigay ang listahan kay Trick.

Kasalukuyang nasa bahay nila Jade ang magkakabarkada. Maiingay ang mga ito habang nagpaplano. Good thing at natutulog na ang nakababatang kapatid ni Jade.

Napagplanuhan din ng lahat na rito na matulog sapagkat Biyernes na naman ngayon.

"Kung isama kaya natin si Erin?" tanong ni Sid kaya napatingin ang lahat sa kaniya.

"Pwede—"

"Babalik na siyang Italy sa Linggo." sabi ni Shawn habang naglalaro sa kaniyang cellphone at nakahiga sa kandungan ni Jade.

"Ah the day after tomorrow pala ang balik niya. Tss, sayang naman." komento naman ni Ace habang nailing pa

"Ano Ace?" tanong ni Rage

"Sabi ko the day after tomorrow pala ang balik niya. Sayang naman, kupal ka—"

"Inulit," natatawang sabi ni Rage kaya nagtawanan ang lahat hindi inalinta ang natutulog na kapatid ni Jade sa taas.

"Gago!"

Hindi namalayan ng lahat ang oras at nakatulog na sa salas pagkatapos magplano.

"Tara na sa kwarto pantal." pang-aasar ni Shawn kay Jade.

Nakatanggap ito ng hampas sa dibdib kaya natawa naman ang binata.

Pumuntang kusina si Jade para hugasan ang ginamit na mga baso nila kanina. Sumunod din si Shawn at saka niyakap sa likod ang girlfriend nito.

Ipinahinga ang baba sa kanang balikat ng dalaga habang palihim na inaamoy ang buhok nito.

"Bango naman ng misis ko."

Itinago ni Jade ang kilig at saka pabirong siniko ang binata. Marahan naman itong humalakhak upang hindi magising ang mga natutulog sa salas.

"Girlfriend mo pa lang ako manyak, misis ka d'yan."

"Let's get married, then."

Medyo kumalas ng yakap si Shawn para makaikot si Jade at agad ding ibinalik ang dating higpit nang makaharap ang dalaga.

"Ayoko," pangasar na sabi ni Jade kaya naman napangiti si Shawn at mabilis na inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga, binigyan niya ito ng mabilis na halik sa labi.

"Ayaw mo?" nakangising tanong ni Shawn

"Ayoko." muling sabi ng dalaga kaya naman binigyan ulit ito ni Shawn ng mabilis na halik sa labi.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayoko nga,"

Kahit na namumula na ang pisngi ni Jade ay nadagdagan pa ito nang makatanggap ulit siya ng halik sa binata.

"Ayaw mo talagang talaga?"

"Ehem." mahinang ubo ni Ace habang nakatingin sa dalawang ito na naghaharutan.

"Ayoko nga,"

"Ehem, ehem!" muli niyang pag-ubo ngunit nilakasan niya ng kaunti. Nagising ito dahil nauuhaw kaya nagtungo ito sa kusina para kumuha ng tubig hindi makasaksi ng ganitong kakornihan.

Mukhang kulang pa sa lakas ang pag-ubo niya kaya hindi siya napapansin ng dalawa.

"Tangina, hanggang kailan kaya kayo matatapos sa smack lang? May kwarto sa taas baka gusto niyong ituloy 'yan du'n, Dela Cortez?"

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon