Chapter 23

639 22 0
                                        

Jade's POV

"Gising na pantal!"

Iminulat ko ang mga mata ko nang may tumapik sa pisngi ko. Nakatulog pala ko. Nilingon ko siya,

"Malapit na tayo." sabi nya pa, "—look!"

Tumingin ako sa tinuro niya. Sobrang ganda ng view! Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan iyon.

Tumayo ako at lumingon sa kaniya saglit.

"As in wow manyak!" tili ko at ibinaling muli ang tingin sa magandang view'ng sumalubong sa amin.

Malapit na kami sa rest house raw nila kaya excited kong kinuha ang dala kong backpack. Naalala ko wala nga pala kong dalang mga damit, pero sabi sakin ni manyak 'wag ko na raw problemahin 'yon.

"Nga pala manyak, hindi tayo baba sa airport?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya at pinapunta ako du'n malapit sa kaniya.

"Talaga? Nakaganito tayo baba? As in nakaparachute?" manghang tanong ko habang kinakabitan na ako.

Wow, astig!

Ang sariwa ng hangin! Mula dito papuntang rest house nila manyak, tanaw na tanaw mo pa rin yung asul na asul na dagat at 'yung mga isla na tila maliit na bato sa paningin ko ngayon dahil malayo kami.

"Ilang araw tayo dito manyak?"

"Three days." sagot niya

"Bitin 'yun." malungkot na reaksyon ko. One week nga bitin pa rin three days a kaya. Bitin 'yun panigurado!

"Next time sasama natin sina Ace." sabi niya at hinila na ko papasok du'n sa loob ng bahay.

Mula dito sa nilalakaran namin nadaanan namin 'yung rooms daw. Sabi rin ni manyak, hindi lang daw ito resthouse kun'di pati na rin resort.

Papasok na kami du'n sa sobrang laking pintuan ni manyak.

"Pa, ang tigas ng ulo niyo. Inumin niyo na tong gamot niyo."

"Ayoko sabi ng lasa n'yan Shanon,"

"Pa─"

Ismid ni manyak pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.

Mukhang natigilan sa pagtatalo ang isang sobrang maganda at morenang babae at matandang lalaki na halatang mong may kakisigan nu'ng kabataan niya dahil maganda rin ang hulma ng katawan kahit nakatalikod.

Napatingin sa amin 'yung magandang babae at agad itong tumayo.

"Oh, there you are." sabi nu'ng magandang morenang babae at lumapit kay manyak.

Napasinghap ako ng mahina nang halikan niya sa magkabilang pisngi si manyak. Nabaling ang tingin niya sa akin at agad na lumapit.

"You must be Jade, am I right?" tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Tumango ako bilang tugon, katulad nang ginawa niya kay manyak ay hinalikan niya rin ako sa magkabilang pisngi.

Ngumiti ako sa kaniya ng pilit pagkatapos niya akong halikan. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa sala kung saan naroroon ang matandang lalaki na nakatalikod sa amin.

Mula sa peripheral vision ko nakita kong nag-uusap sina manyak at 'yung matandang lalaki.

"Pa, this is Jade. Shawn's gi─"

Pinutol ni Shawn ang sinasabi nu'ng magandang babae, "My very good friend."

"Oh, ikaw 'yung student buddy ng apo ko." nakangiting sabi nu'ng matandang lalaki.

"Kilala mo siya 'Pa?"

"Of course, siya 'yung student buddy ni Shawn, nakita ko na siya isang beses sa—"

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon