Chapter 42

220 9 12
                                    

A/N: Play the song for more feels. Enjoy! 

-


Jade's POV

"And now let's all welcome the newest band of Heinz University, Replay!"

Napuno ng ingay ang quadrangle kahit hindi pa kami nalabas ng backstage.

Naglakad na kaming lima sa patungong stage. Madilim iyon kaya inalalayan ako ni Sean.

Pagkapwesto namin ay agad na sinimulan nila ang intro.

Hindi pa rin matahimik ang lahat ng mga estudyante. Kinakabahan na talaga ako.

Huminga ako ng malalim at unti-unting itinaas ang dalawa kong kamay at hinawakan ang stand ng mic.

"May gusto ka bang sabihin? Ba't 'di mapakali? Ni hindi makatingin." unang liriko pa lang ay tumahimik ang lahat.

Nawala ba ko sa tono?

"Sana'y 'wag mo na itong palipasin. At subukang lutasin sa mga sinabi mo na. Iba'ng nararapat sa akin, na tunay kong mamahalin." tinuloy ko lang ang pagkanta ko. Pumikit ako ng mariin bago kapain ang chorus.

"Oh.... 'wag na 'wag mong sasabihin, na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo.~"

Napamulat ako dahil sumasabay na sila sa akin. Ang kanilang mga lightstick ay kanilang isinasayaw sa ere habang nakataas pa ang mga kamay.

Ngumiti ako dahil nawala ang kaba na kanina pa namumuo sa dibdib ko.

"Ano man ang inaakala, na ako'y isang bituin, na walang sasambahin." huminga ako at muling napangiti.

"'Di ko man ito ipakita. Abot-langit ang daing sa mga sinabi mo na, Iba'ng nararapat sa akin na tunay kong mamahalin.~"

"Ang ganda ng boses niya."

"Para ngang narinig ko na 'yung boses niya, e."

"Yep, pamilyar nga. Nakakainlove boses, p're."

"Oh.... 'wag na 'wag mong sasabihin, na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo~" pumikit ako at unti-unting naluluha.

"At sa gabi, sinong duduyan sa 'yo
At sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa 'yo..."

Bakit ba ko naluluha? Baka hindi ko maabot 'yung mataas na tono.

"Oh.... 'wag na 'wag mong sasabihin, na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo~" napangiti ako ng maabot ko ito, hindi ako flat sa part na 'to.

Napatingin ako kina Sean at Wayco na mga nakaupo habang natugtog. Ngumiti sa akin si Sean habang si Wayco ay kinindatan ako.

Napalingon din ako sa pwesto nina Gavin na nakangiti rin, at ngayon si Preston ay nakangisi pero hindi nakatingin sa akin.

Mukhang nakuha ko nga talaga ang tamang tono.

"Oh.... 'wag na 'wag mong sasabihin, na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo~" hinawakan ko ang mic at tumingin muli sa harapan.

"Wooooooooooh!"

"Pamilyar talaga 'yung boses niya!" medyo paos na sabi nu'ng babae sa unahan.

"Sana ipakita kung sino ang Replay, beshy!"

"Oh... oh... oh..." pumikit ako at nagpatuloy sa pagkanta.

Ang sarap sa pakiramdam na nasasabi mo 'yung saloobin mo.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon