Rage's POV
"Yey!" tuwang tuwang sigaw ni Jervin na hindi pa rin ma-contain ang kasiyahan.
Pauwi na kami ngayon sakanila. Saktong alas kwatro na ng hapon at kanina pa namin kino-contact si Jade pero hindi pa rin siya nasagot.
"Sa tingin mo Ace nasan nasa kanila na kaya 'yun?" tanong naman ni Trick
"Oo, pero puntahan muna natin sa plaza baka nandu'n pa 'yun, e." suggest ni Ace
"Sige. Shawn, plaza daw muna." sabi ni Trick at saka tinapik ang balikat ni Shawn na nagmamaneho.
"Lech—"
"Oy Shawn 'wag ka ngang magmura, gagayahin ng bata." sabi ni Sid
"The fu—"
"Shawn!" muling saway ulit ni Sid
Hindi na ulit umimik pa si Shawn at nagpatuloy na lang sa pagda-drive.
Jade's POV
3:00 pm
"Wait lang Jervin ha? Bibili lang si ate ng water, ha? 'Wag kang aalis d'yan." bilin ko sa kaniya at saka na ko pumunta doon sa isang vendo machine.
Hay! Nakakainis talaga 'yung nangyari kahapon. Hindi ako pinatulog nu'n kagabi at naaalala ko pa rin hanggang ngayon.
Malambot.
Malambot ang mga labi niya na akala mo ay madaling mapadugo dahil nga sa sobrang lambot nito, kahit na nakakahiyang isipin at sabihin na siya ang first kiss ko.
"Jusko Jade!" bulong ko sa sarili ko at mabilis na iniling ang ulo nang paulit-ulit upang maalis sa aking isip ang nangyari kahapon.
Pagkatapos kong bumili sa vendo machine sa likod ng stall ng popcorn ay bumalik na ko sa bench kung saan ko iniwanan si Jervin. Laking gulat ko nang wala akong nadatnan na batang lalaki doon.
Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba, hindi ko mapigilang hindi habulin ang aking paghinga.
"Jervin!" tawag ko dito habang paikot-ikot sa hanay ng bench dito sa park upang hanapin ang kapatid ko dahil baka mamaya ay pinagtataguan lamang ako nito.
"Jervin Dyllan!" ulit kong tawag na may kasama ng inis dahil nakailang balik na ako ay wala pa ring ni anino nito.
Namamaos na ang aking boses at malapit na ring tumulo ang luha ko habang iniikot na ang buong plaza kasabay ng pagsigaw o pagtatanong sa mga tao dito na paunti na rin nang paunti kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko rin dala ang telepono ko dahil wala naman iyong charge pa kaya iniwan ko na lang din sa bahay.
Lumipas ang isa't kalahating oras at wala pa ring Jervin na nagpapakita, tumayo na ako sa bench at napagdesisyunang magtungo sa pinakamalit na police station para i-report ito sa pulis.
"Ate!" Napalingon agad ako dahil sa boses na mula sa likod ko.
Tumakbo siya sakin at yumakap, lumuhod naman ako para maging kapantay ko siya.
"Saan ka ba galing ha? Bakit bigla lang nawala? Paano ka nakabalik dito? Sinong—" hindi ko na natapos pa ang sunod-sunod na tanong nang ituro ni Jervin sa akin ang mga nakasama niya.
"Ayun sila oh, ate." paliwanag nito at saka itinuro 'yung limang lalaki sa harapan namin.
Nakaramdam ang buong katawan ko nang pagkahiya, bakit ngayon pang away ko siyang makita? Tumayo ako at pinunasan ang naiiyak na mga mata at saka lumakad ako papalapit sa kanila.
"Thank—"
"Sorry Jade." sabay-sabay nilang sabi habang nakatungo.
"Sorry din kung nadala namin si Jervin kung saan nang walang paalam mo." paumanhin ni Rage
'Di ko alam pero parang bigla na lang akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib nu'ng sinabi nila 'yun. Actually apat lang silang nagsalita, 'yung isa kasi nakitungo at nagpakawala lang ng hininga.
Okay lang atleast nagsorry na sila sakin, although 'yung apat lang.
"Group hug!" sigaw naman ni Ace na nakabuka na ang mga braso
Nagtipon-tipon naman kami at nagyakap yakap, halo-halong amoy ang kumapit sa akin dahil sa iba't ibang mga pabango ng mga ito.
"Ano Shawn?" tawag ni Trick
Siya lang kasi 'yung nag-iisa na hindi nakikisama samin.
"Baduy." tipid na sabi nito
"Arte mo! kj, e. Ano dude kj na?" pang-iinis naman ni Trick kaya ayun si manyak nakisama na rin at mukhang labag pa sa loob niya na makiyakap sa amin.
Sobrang arte talaga kahit kailan!
"Sorry din guys." bulong ko sa sarili ko, kahit na hindi naman nila sakin ipakita na nagsisisi sila, isang sorry lang okay na ko du'n.
Hay! Isang linggo ko pa lang silang nakakasama pero magaan na agad loob ko sakanila. Except du'n sa isa.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...