Chapter 40

221 3 0
                                    

Rage's POV

"Oh shit!" sigaw ni Ace kaya na naging dahilan upang magising ako.

"Tangina, ingay mo! Bakit ba?" inis na tanong ko at bumangon.

"Malapit na kasi ulit akong mag-highscore. Isang part na lang malapit ko nang mabuo 'yung sex toy, e." reklamo nito

"Bubuo ng sex toy? Anong laro ba 'yan?" tanong ko ulit saka kumuha ng monoblock at inilapit iyon sa tabi niya.

"Fap Ninja, maganda 'to dude!" sagot niya at saka ipinakita sa akin kung paano iyon laruin.

"Tangina ang henyo ng gumawa n'yan." natatawang bulong ko

"Henyo talaga dude," sabi niya pagkatapos ma-game over.

"Gago ka, pasahan mo ako!" sabi ko at inilabas ang cellphone ko.

Habang naglalaro kami ay biglang bumukas ang pinto ng rooftop.

"Rage, Ace!" kahit hindi ako lumingon ay sigurado akong si Sid ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Bakit dude? 'Wag ka munang magulo, malapit ng─" hindi natapos ni Ace ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni Shawn.

"Mga gago lunch na, tara sa canteen." sabi nito at umalis na ulit.

Pagkasabi ni Shawn ay tumayo na rin ako.

Aba gutom na rin ako, mamaya kakalaro ko ng Fap Ninja na 'yan iba pa makain ko.




"Busy naman ng mga people ngayon. Ano-anong banda raw ba 'yung dadating dito bukas?" tanong ni Ace

"Silent Sanctuary, Parokya Ni Edgar saka Eraserhead ata." sabi ko

Busy talaga ang mga tao ngayon dahil sa darating na College Night bukas ng gabi.

"Wala pa ba si Reyes?" tanong ni Shawn pagkapwesto namin sa malapit kina Jade.

"Hindi ata papasok," napatingin kaming lahat kay Sid dahil sa sinabi niya.

"Bakit daw?" tanong ko

"Malay ko, tinext lang ako kagabi, e."


"Bea, una na ko. Nagtext na si Sean, e"

Napatingin kaming lahat ng biglang magsalita si Jade at tumayo na sa table nila.

"Teka lang, 'di mo pa tapos 'yung pagkain mo." sabi naman ni Bea na naka-eyeglasses ngayon.

"Sayo na lang, 'di ba stress eating ka ngayon? Text na lang kita pagkatapos namin, anong oras tapos niyo?"

"Uh, mga 5 ata kasi dress rehearsal na lang naman, e." sagot ni Bea at saka sumubo ng kaniyang pagkain.

"Sige sa may bench ulit ha? Una na ko. Bye!" pagkatapos mamaalam ni Jade umalis na ito.

Bumalik ang atensyon ko sa lamesa namin.

"Bili na k─"

"Mauna na kayong kumain, may pupuntahan lang ako." sabi ni Shawn at akmang tumayo na para umalis ngunit nahawakan siya ni Sid.

"Dude," umiling si Sid habang hawak ang braso nito.

Kaya unti-unting umupo si Shawn. Tangina, 'yan ang hirap sa mga umiibig, e.

Hay, ayoko nang magbigay pa ng advice baka maubusan pa ko.


Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa may mga bench.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon