Jade's POV
Tuesday
"8:15 na pala." napabuntong hininga ako at nagsimula ng pumara ng taxi.
Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin akong nasisimulang ipinta at Thursday ang pasahan ng canvass namin.
"Manong sa HU lang po." sabi ko at sasakay na sana—
"Kuya manong, sakin po siya sasabay."
Napalingon ako sa boses na nang galing sa likuran ko.
"Sean?" nagtatakang tawag ko sa kaniya.
"Nabigla ka ba?" sabi niya at nagbow pa.
"Ha?" tanong ko rito
"Tara na." sabi niya at hinila na ako sa kotse niya.
"Gara ng kotse," namamanghang sabi ko na naging dahilan na naman ng pagkawala ng kaniyang mga mata at paglabas ng cute na pangil nito.
"Thanks,"
"Welcome." sabi ko saka ngumiti sa kaniya
Pagkapasok ko ay sumakay na rin siya at ini-start na ang kotse. Hindi masyadong mabilis at hindi rin masyadong mabagal magpatakbo si Sean. Tama lang, mukhang feel na feel niya ang pagda-drive dahil convertible nga ang kotse niya. Ang cool niya tuloy tingnan.
Habang nasa biyahe ay inintreview niya ako.
"Tina marunong ka bang kumanta?" tanong niya
"Medyo." tipid na sagot ko
"Sample nga!" excited na sigaw niya habang nakangiti sakin ng malawak.
Nanlaki ang mata ko sa sinigaw niya. Sample? Ayoko nga!
"Ayoko." nahihiyang sabi ko
"Ha? Bakit naman?" tanong niya pa ulit.
"Panget boses ko." sabi ko pa para lang hindi niya ako pakantahin.
"Okay lang 'yan. 'Di ako tatawa, promise." nakangiting sabi niya
"Isang linya lang ha?" sabi ko sakan'ya.
"Mm-hmm." tatango-tangong sabi niya
"When you look me in the eyes, and tell me that you love me. Everything's alright, when you're right here by my side." ngumiti ako sa kaniya.
"Tapos na!" sabi ko pa pero nanatili siyang nakatitig sa akin. "Bakit?" tanong ko ngunit wala pa ring siyang reaksyon. Ikinaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya
"Woah!" sabi niya at saka kumurap kurap pa. "Ang ganda ng boses mo, Tina!" sabi niya pa at pumalakpak pa.
"'Di ah." sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Oo nga, maganda nga!" taas kamay na sabi pa niya
"Sige na, inuuto mo lang ako, e. Late na ko, bilisan mo na!" natatawang sabi ko pa sakaniya.
"Hala!" nagulat na sabi niya at agad na pinaandar ang kotse niya, kung kanina ay mabagal lang ang pagpapatakbo nito, mas binilisan niya pa ito ngayon.
"Salamat Sean!" sabi ko at saka bumaba na. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako.
"Welcome!" natatawang sabi niya, "─nga pala bakit hindi mo kasabay si Shawn pumasok ngayon?" tanong niya
"Uh, magka-away ata kami, e. Hindi ko alam sa manyak na 'yon." sagot ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Ah, Tina kayo na ba ni Shawn?" muling tanong niya
![](https://img.wattpad.com/cover/55593212-288-k164158.jpg)
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...