Chapter 27

472 22 3
                                    

A/N: 'Yung plot nitong chapter na 'to ay pagkatapos nang pagkikita nila sa McDo.

-

Bea's POV

2 weeks after...


Trick

Let's meet tomorrow.


Magsa-sampung minuto na kong nakatingin sa text ni Trick, hindi ko mapigilang ngumiti.

Oh come on Bea, it's just a simple text. Why are you smiling, huh? Saka hindi naman ito ang unang beses na nagpapalitan kayo ng messages sa isa't isa. It's almost 2 weeks na rin at hindi ka pa rin sanay? My gosh!

Nagtipa ako ng irereply sa kaniya,


Trick

Yeah, sure.


Inilagay ko ang cellphone ko sa gilid ko at ngumiti sa kawalan. Wala pang isang minuto ay tumunog na naman ito, hudyat na may natanggap akong mensahe.

Dali dali ko iyong binuksan, ang mga labi kong nakakurba ng malaking ngiti ay biglang naglaho.



Mom

Tomorrow. 3 pm at MSN Resto. Papakita ko lang sayo kung maganda ba 'yung napili kong wedding cake namin ng Tito Bill mo.



Wala na ba talaga akong magagawa para hindi sila maikasal. Dad is waiting for her, Mom why are you like this?

Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko. 

Nagulat ako ng sunod sunod na tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Trick. Inayos ko muna ang boses ko at saka sinagot ang tawag niya.

[Bea?]

"Uhm?" sabi ko

[Bakit ganiyan ang boses mo? Are you crying?]  tanong niya

"No-no!" mabilis na pagtanggi ko kahit na muntik na akong pumiyok

[I see. Gimme 5 minutes, okay? I'll end the call.] sabi nito na naging dahilan ng pagkalito ko.

"Huh? Wh─Hello Trick?"

Naputol ang linya nang tuluyan niya na itong ibaba. Hindi ko alam kung anong rason niya bigla, bahala nga siya diyan.

I open my twitter account para magpa-antok. I usually do this, ang twitter ang labasan ko ng sama ng loob, hinanakit and happy thoughts.

Maya maya ay biglang tumunog ang doorbell. Nagtaka ako, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 10:27 na ng gabi at wala naman akong matandaan na may bibisita sakin o umorder ako ng pagkain. Even Mom hindi niya alam kung saan ako nag-iistay. Is it Dad?

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto hawak-hawak ang baseball bat. Baka mamaya masamang tao 'to na kalapit unit ko lang tapos may masamang balak! Gosh, hindi naman pwedeng may ibang makapasok sa building na 'to. E, ang daming CCTV dito at sobrang higpit pa ng security.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon