Jade's POV
"Patay ka saking manyak ka!" sigaw ko rito
"Tingnan mo bakat na 'yan bra mo sa sando mo." pabalik na sagot nito sa akin habang hawak hawak ang hose na bukas
Agad akong napatingin sa suot ko.
"Bastos ka!" sigaw ko sabay taklob ng hinaharap ko at umupo.
Sa sobrang inis ko ay binasa ko siya ng isa pang hose. Pinaliguan ko siya.
"Tangina!" sigaw nito saka tumingin sakin ng masama.
Tinawanan ko lang ito nang tinawanan.
Napatigil ako sa paghagalpak nang mapatingin ako rito, dahil nakakapagtaka at hindi ito gumanti.
Napatitig ako sakaniya nang isinuklay nito ang dalawang kamay niya sa kaniyang buhok.
Bakit parang ang gwapo niya ata ngayon? Nakakainis!
"Oy pantal sabi ko magswimming na tayo."
Nabalik naman ako sa wisyo nang magsalita ito at ikinaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Ah sige." sabi ko kaya hinubad ko na ang pajama kong suot. May short naman ako kaya keri lang.
Umupo muna ako sa may pool at idinawdaw ang mga paa ko.
"Ang lamig!" sabi ko sabay himas sa magkabilang braso ko.
Nakigaya rin naman siya sakin na umupo rin sa tabi ko.
"Magsi-six na kasi." sabi nito at bumaba na ng pool para maligo.
Nakababad na ang buong katawan niya sa pool at humarap ito sa akin.
"Ligo ka na Jade." sabi nito saka ako niyakap sa bewang ko.
"O-oy! Chansing 'to, e!" sabi ko sabay hampas sa likuran nito.
Gago talaga 'to! Tinawanan lang ako.
"Ay ang sweet!"
Agad kong naitulak si Shawn palayo sakin. Napatayo ako sa pagkabigla dahil nandito pala sina Ace.
Nakakahiya!
Inayos ko ang sarili ko bago mag-explain sakanila. Kailangan kong maka-isip ng magandang alibi kung bakit ganu'n ang pwesto namin ni Shawn.
"Ah k─"
"Ano ba Jade! Ba't ka nanunula─ Oh nandito na pala kayo? Kanina pa kayo d'yan?" tanong ni Shawn na para bang walang nangyari.
"'Di naman, kani-kanina lang." natatawang tugon ni Ace
"Jade halika rito!" sabi ni Shawn at nagswimming na ulit.
"Tawag ka ni Shawn, Jade." sabi ni Trick at saka ngumiti ng nakakaloko.
"Una na muna kami ni Sid." sabi ni Rage saka saka naglakad palayo kasama si Sid.
"Ay bitter?" sabi ni Ace at tumawa na sila ng tumawa ni Trick.
Pagkatapos naming magswimming ay napagdesisyunan ng mga ito na mag-inuman sila.
"Bihis muna ko." pagpapaalam ko sakanila. Tumango naman si sila kaya nagtungo na ko sa guest room.
Hinanap ko 'yung tuwalya para makapagbanlaw na ko ng katawan ko.
Pagkatapos ng 30 minutes ay lumabas na ko ng guest room at dumiretso na sa pool area kung saan sila nag-iinuman.
Nandito si Bea!
"Jade halika dito!" sabi ni Shawn
"Ayoko!" sabi ko saka ako tumabi kay Sid.
Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Shawn. Mukhang hindi pa sila mga lasing kasi halata naman sa kanila.
"Jade! Isa!" sigaw na sabi nito
Mas lalo ko pa siyang hindi pinansin kaya mukhang gumana naman dahil kumunot ang mga noo nito.
"Ganto na lang! Laro tayo!" sabi ni Ace saka siya nag-shot.
"Anong laro?" tanong ni Trick sa kaniya
"Body shot!" sigaw nito nang may ngiti sa labi
"Ayoko!" sabay na sabi ni Trick at Shawn
"Fuck you mga dude! Korni niyo!" hagalpak na sabi ni Ace.
"Tangina mo Ace! Jade halika sabi rito!" sigaw ni Shawn saka na siya lumapit sakin at hinigit ako papunta sa pwesto niya.
Makikipagkamustahan pa sana ako kay Bea nang sigaw si Trick.
"Truth or dare na lang!"
"Game ako d'yan!" masiglang sabi naman ni Rage
Ipinaliwanag na nila yung gagawin. Kapag truth, may itatanong sila at kailangan mong sagutin, kapag ayaw mong sagutin 2 shots ang iinumin mo. Kapag dare naman ganu'n din naman ang gagawin, susundin 'yung ipinag-uutos at kapag ayaw mo 2 shots ulit.
'Di na ko nakaangal dahil baka sabihin nila ang KJ ko naman.
Pinaikot na ni Jake yung bote at tumigil ito sa tapat ni Bea at 'yung pwetan naman ng bote ay napatapat kay Ace. So it means, si Ace ang mag-uutos o magtatanong.
"Hala!" gulat na sabi ni Bea
"Oy Valderama ayusin mo! Sasapakin kita d'yan!" sabi naman ni Trick.
"Game! Truth or dare?" tanong ni Ace kay Bea
"Dare!" matapang na sabi ni Bea
Tumawa muna si Ace bago magsalita muli. "Kagatin mo 'yung leeg ni Trick."
"Ha?" talagang nanlaki ang mata ko sa utos ni Ace para kay Bea. Sabagay, ano bang aasahan mo kay Ace, e puro kabalastugan ang nasa utak nan.
"Utos o shot?" tanong ulit ni Ace
Kung ako 'yun, shot na lang.
"Hindi ako nainom." maliit na sabi ni Bea at saka hinawakan 'yung shot glass.
"'Yun oh!" kantyaw nina Ace rito
Pumikit nang mariin si Bea pagkatapos inumin ang dalawang shot ng alak.
Si Trick naman ay hinimas himas ang likod ni Bea dahil umuubo ito.
"Next! Paikutin mo na Ace!" utos ni Sid.
Pinaikot na iyon ni Ace at tumapat kina Rage at Shawn. Si Rage ang magtatanong o mag-uutos.
"Truth or dare?" tanong ni Rage kay Shawn.
"Pang mahihina lang ang truth, dahil gwapo ako, dare!" sabi nito
"Pwede mo namang sabihin na lang na dare, may pagwapo gwapo ka pang nalalaman. Dami mong alam." bulong ko dit
"Tss!" ismid na lang niya sakin at humarap na kina Rage. "Game na Rage." sabi niya ulit
"Sayawan mo ng sexy dance si Ace." natatawang utos ni Rage kay Shawn.
"Seryoso?" sabay na tanong ni Ace at Shawn.
"Mukha bang nagbibiro si Rage?" sabi ko sabay tawa.
"No! Lilimahin ko na ang shot ko." seryosong sabi ni Shawn at saka kinuha 'yung shot glass.
"Lalo na ko! Malaking kahihiyan 'yan kapag nangyari!" apila naman ni Ace.
Humagalpak lang ako ng humagalpak ng tawa dahil sa mga pag-iitsura nilang dalawa. Talagang nandiri sila sa utos ni Rage.
Pinaikot na ni Rage ang bote at tumapat ito kay Trick at sakin.
Jusko po!
"Nice one Rage!" pang-aasar ni Shawn
"Truth or dare?" diretsong tanong ni Trick sakin
Ayoko ng dare baka kung anong ipagawa nito sakin, e. Mahirap na! Abnormal din utak nito, e.
"Truth!" sagot ko
Nag-isip saglit si Trick at saka sinabi ang mga salitang...
"Kung papipiliin ka sa dalawa? Shawn o Hiro?"
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Genç KurguJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...