Chapter 34

414 12 8
                                    

Shawn's POV 

"Happy 3rd Anniversary Shawn!" masayang sigaw ni Erin sabay takbo at mahigpit na yumakap sakin.

Nanigas sa kinatatayuan ko. Maraming namuong katanungan sa aking utak. Bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito, at anong ibig sabihin nito?

"I miss you so much, Shawn." sabi niya at sinapo ang mukha ko.

Kahit na gusto kong magsalita ay walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.

Lahat ng sakit sa puso ko noong mga panahong nangungulila ako sakaniya ay bumalik. Hindi ko alam kung kasama rin ba do'n 'yung pagmamahal ko sa kaniya. 

Hindi... hindi pwede.

"Are you alright?" tanong niya sa akin. Tumango ako kaya ngumiti siya at hinila ako sa garden kung saan may nakaset-up na candlelight dinner para sa amin.

Pinaghila ko siya ng upuan gaya ng dati, tuwing date namin.

"Thanks," masayang sabi niya kaya umupo na rin ako.







Trick's POV


Ngayon ko lang nakita ang text ni Jade, kanina pa itong alas nueve ng umaga at ala una na ng hapon nang mabasa ko ito.



Jade


Pumasok ba si Shawn, Trick? 'Di kasi siya nagrereply at sumasagot sa mga tawag at text ko, eh.


Hindi nga, e. Magka-away ba kayo?



Kumunot na ang noo ko nang sabihin ni Jade na 'hindi' at napamura ako ng maalala ko kagabi 'yung text ni Shawn.




Maingay na tugtog ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa bar nina Sid. Ang daming tao na nagsasayaw sa dancefloor,  halos mapuno rin ang VIP room ngayon araw.

Napailing na lang ako nang malala ko kung bakit kami nag-away ni Bea ngayon.

Nagtungo kami sa lagi naming pwesto─sa VIP room.

"Bakit wala pa si Shawn?" tanong ni Rage sabay lagok sa kaniyang Daniel's.

Nagkibit balikat si Sid at nilagyan na lang ng alak ang kaniyang shot glass.

"Text mo na nga, dude." sabi sakin ni Ace habang nakikipaglampungan sa bago niyang babae.

Nang maipadala ko ang mensahe ay wala pang isang minuto ay nagreply na ng gago.

"May date sila ng baby niya." sabi ko sa mga ito 




Bakit nga ba hindi magpaparamdam 'yung gagong 'yun? Kung hindi sila magkaaway ni Jade anong dahilan nu'n?

Itinago ko na ang cellphone ko nang biglang umakbay sakin si Ace.

"Dude, mukhang naka-score si Shawn, ah. Hindi pumasok, e." nakangiting sabi ni Ace.

"Gago, hindi nga raw sinasagot mga text at tawag ni Jade, e." sabi ko

"Baka magkaaway na naman, alam mo naman 'yung magmahalan puro bangayan. Nai-stress tuloy kagwapuhan ko."

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon