Chapter 37

398 14 29
                                    

Shawn's POV

"Let's go Erin." sabi ko at inalalayan siyang pumasok sa isang hospital room.

"Kaya ko naman Shawn just wait for me outside, okay?"

Nag-aalinlangan pa akong iwan siya pero wala rin akong nagawa kun'di ang hintayin siya sa labas.

Naupo ako sa waiting area at sinimulang isuklay ang aking mga daliri sa aking buhok.



"Tangina naman Shawn, bakit ganito dude?" inis na sigaw sa akin ni Rage at ginulo ang buhok niya.

Hindi ako umimik, wala akong dapat pagsabihan.

"Ngayong nasaktan mo na si Jade, masaya ka ba ha? Na siya naman ang maghihirap ngayon? Tangina, Dela Cortez! Kung hindi ka iimik masasapak na kita ngayon din mismo." nakayukom na ang kamao ni Trick.

Nanatili pa rin akong walang imik.

Napaatras na lang ako nang lumipad ang kamao ni Sid sa pagmumukha ko.

"Akala ko si Jade ang gagawa nito sayo. Fuck you dude, sinayang mo lang 'yung pagaalala ko sayo."

Wala akong pakialam kung ano anong mura man ang ibato nila sa akin. Kung sapakin o bugbugin man nila ako ng dahil kay pantal.

Sunod sunod na suntok ang natanggap ko sa tatlo.

"Gago ka, gumanti ka Dela Cortez!" inis sigaw ni Trick at sinuntok ako sa sikmura.

Napapikit ako sa sakit pero tiniis ko pa rin nang bigyan ako ng malakas na sapak ni Rage.

"Gago ka talaga Shawn!" mura ni Ace na kanina pa nakatayo sa gilid at hindi nakikisali sa tatlong 'to.

Sinugod niya ako at kinuwelyuhan.

"Tangina mo! Gago ka, bakit hindi ka gumaganti ha? Bakit hindi mo ipaliwanag 'yung side mo! Tangina mo, kaibigan mo kami bakit ayaw mong magsabi?!" sigaw niya sa pagmumukha ko habang mahigpit na nakakapit sa kwelyo ko.

"Kapag ba sinabi ko, may magagawa kayo? Tangina, kapag ba sinabi ko sa inyo may mababago?!" huminga ako ng malalim at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko nang mabitawan ako ni Ace sa pagkakakwelyo.

"Kaya anong pang silbi kung wala naman kayong magagawa?"

"Gago ka dude, kaya nga kami nandito para tulungan ka! Anong tingin mo samin mga alipores mo lang na nandyan lang sa likod mo para makisawsaw lang sa kagaguhan mo?! Tangina Dela Cortez, kaibigan mo kami! Kaibigan mo kami simula pa nu'ng nagsusuot palang tayo ng diaper." hinihingal na sabi ni Trick.

"Bakit gan'yan kayo ka-concern kay pantal?" tanong ko at tumingala para tingnan ang mga bituin.

"Kaya kong kalimutan ang pagkakaibigan natin kung magiging ganito ka lang din pala kagago." seryosong sambit ni Rage.

Naupo ako sa isang slide at saka sinabunutan ang sarili ko.

"Shit! Shit this life! Fucking shit!" sunod sunod kong mura at saka marahas na binitawan ang pagkakasabunot ko sa buhok ko.

"Kailangan kong balikan si Erin..." huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila. "Kailangan ako ni nina Tito Erwin, kailangan ako ni Erin kaya kailangan ko siyang balikan. Kailangan niya ng lakas kaya kailangan niya ko."

"What do you mean na kailangan ka ni Erin?" tanong ni Sid

"Stage 2. She has a brain tumor." sabi ko at ginulo ang buhok ko.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon