Chapter 20

607 21 0
                                    

Thrid Person's POV

"Michiba, anong balita sa pinapagawa ko sayo?" madilim na sabi ng matandang lalaki sa imbestigador.

"Sir, ginagabi pong umuwi ang anak niyo kasama lagi 'yung mga kaibigan niya." sabi ng imbestigador sa matandang lalaki.

Napaharap ang matanda sa imbestigador nang nakakunot ang noo na tila parang nagtatanong kung anong dahilan.

Nakuha naman ng imbestigador ang gustong ipahiwatig ng matandang lalaki.

"Sir, lagi pong nasa bahay ng babae ang inyong anak." magalang na sabi nito. "At sabi po ng butler sa mansion nila ay lagi pong napunta ang mga kaibigan ng iyong anak sa mansion." dugtong pa nito.

"At bakit?" tanong ng matanda.

"Simula po nang sabihin ng inyong anak na─

"Now, I get it." ma-awtoridad na sabi ng matanda. "Siguraduhin mong lalayuan ng anak ko ang babaeng 'yon. Ayokong kumalat sa Business World na ang tagapagmana ng Alonzo ay magkakaroon ng cheap na girlfriend." dugtong pa nito

"Certainly, Sir." sagot ng imbestigador at umalis na.




Shawn's POV

"Fred, nasaan na 'yung cellphone ko?" tanong ko kay Fred.

Potek! Nawawala pa ata e. Baka nagtext na si pantal, susunduin ko pa naman 'yon.

"Young master eto na po." sabi ni Fred at inabot sakin 'yung cellphone ko.

Dali dali akong umalis at nagtungo sa garahe sa basement ng mansion.

Calling...
Pantal

[Oh bakit?]

"Nasan ka?" tanong ko rito habang ini-start ang sasakyan.

[Nasa bahay pa, binibihisan ko pa─]

"I'll pick you up." sabi ko at pinatay na ang tawag at pinaharurot ang motor ko.

Sabado ngayon at walang pasok sila pantal, pero may practice si Jervin para sa play nila sa school at may practice naman ako ng basketball.

Sabi ko naman kasi kay coach hindi muna na ko magpa-practice. Potek ayaw pumayag! Bilhin ko kaya 'yung H.U.?

After 15 minutes nakarating na ko kila pantal.

"Kuya!" sigaw ni Jervin at tumakbo na papalapit sakin agad kong kinarga.

"How's your day dude?" tanong ko

"I'm perfectly fine dude." nakangiting sagot nito. 

Lumabas na si pantal at sinarado ang gate nila.

"Tara na?" sabi ko at kinuha ang mga gamit na dala niya.

Napatigil siya bigla na parang bang nagulat. Problema netong abnormal na 'to?

"Bakit?" tanong ko

"'Yung totoo Shawn?"

Ano na naman ba 'yon?

"Ano?" inis na tanong ko.

"D'yan tayo sasakay? Paano si Jervin?" tanong ni pantal at saka tinuro 'yung motor ko.

"Si Jervin nagrequest sakin na'n kaya 'yan talaga 'yung dinala ko." paliwanag ko. Bakit totoo naman e.

"Ate, let's go na!" sabi ni Jervin

"Tara na dude." sabi ko at inalalayan si Jervin na umupo na sa unahan ko. Tumingin ako kay pantal na hindi pa naangkas. "Hinihintay mo diyan pantal─"

"Pasko." nakatawang putol ni Jervin sa sinasabi ko sa ate niya.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon