Jade's POV
"Walanghiya talaga 'yung manyak na 'yon." tanging na sabi ko na lang habang nakatingin sa cellphone ko. Ilalagay na dapat iyon sa ilalim ng unan ko nang tumunog ulit ito.
📞 Manyak
Problema ba nitong manyak na 'to? Tinitigan ko muna 'yun saglit at sa ika-limang ring ay saka ko na sinagot.
"Ano na naman ba?" magkasalubong kilay na tanong ko.
[1 pm susunduin kita d'yan sa bahay niyo.]
"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong ko at humarap naman sa kabilang side saka ko nilipat sa kanang tenga ko ang cellphone.
[Kung si Jervin walang kasama, papupuntahin ko sina Trick at 'yung kaibigan mo.] sabi nito
Hanggang ngayon 'di niya pa rin alam ang pangalan ni Bea.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit.
[You'll see.] sagot niya
"Bahala ka nga. Matutulog na ko!" inis na sabi ko. Kanina pa kasi gustong pumikit ng mga mata ko.
Pumikit na ko habang inaantay na patayin ni manyak ang tawag.
Shawn's POV
Bakit 'di nagte-text sakin si pantal kung nakauwi na siya? Kanina ko pa siya tinatadtad ng text ah? Bakit ayaw magreply?
"Tss." sabi ko at itinikom ko ang bibig ko para mabawasan ang pagka-inis, saka ako nagpatuloy sa pagtipa ng mga letra sa cellphone ko.
Makalipas ang 10 minuto ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kaniya.
Agad-agad kong pinindot ang pangalan niya sa contacts ko para tawagan.
Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na iyon.
Buti naman sinagot! Kanina pa kaya ko nagtetext sayo at tumatawag!
[Oh?] pamungad agad nito sakin
"Bakit gising ka pa?" tanong ko.
[Matutulog na dapat ako ng bigla kang tumawag! Panira ka talaga, e.] halata sa boses niya na na-abala ko ata siya dahil sa pagtinis nito.
"Matulog ka na!" sagot ko rito
[Oo na! Ba't ka ba kasi tumawag? Tutulog na 'yung tao oh!] balik na sigaw nito sa akin
"Gusto ko lang, bakit masamang tumawag?" sagot ko
[Oo lalo na kung wala kang sasabihin.]
May tumunog sa kabilang linya. Baka siguro gumalaw siya.
"May sasabihin ako!"
[Ano?] inis na tanong ng pantal na 'to
"Matulog ka na!" sabi ko at pinatay na ang tawag
Bakit 'di ko na sabi?
Tumingin muna ko saglit sa cellphone ko at saka ko ulit pinindot ang pangalan niya.
Katulad kanina, sa ikalimang ring ay sinagot niya.
[Ano na naman ba?] sigaw na naman nito pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko.
"1 pm susunduin kita d'yan sa bahay niyo." kalmadong sabi ko.
[Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?] tanong niya
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...