A/N: Ang Fap Ninja ay totoong laro. R 18+ lang po ang pwede ng larong iyon.
Shawn's POV
"Ba't 'di ka pumasok kahapon?" tanong ko habang naghahanap ng paparkan ng kotse ko.
[Basta! Asan ka na─ Tangina naman Ace, magdahan dahan ka nga. Dela Cortez, bilisan mo magsisimula na.]
"Oo." sabi ko at pinatay ang tawag. Lumabas na rin ako ng kotse ko pagkatapos ko itong i-park.
Saktong six nang makita ko sina Trick na nasa may bandang unahan kaya pumunta na rin ako.
"Kingina, ang daming tao, e. Ba't hindi na lang kasi sa auditorium ginanap, e." reklamo ni Trick
"Are you ready Heinz University?!" malakas na sigaw ng host sa stage.
Umingay ang buong quadrangle dahil sa doon.
Nawala ang atensyon ko sa stage nang maramdaman kong nagvibrate 'yung phone ko.
Erin
Enjoy Shawn, I miss you na agad.
Pagkabasa ko nu'n ay tinago ko na agad ito sa aking bulsa.
Ang mga ilaw na kaninang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng quadrangle ay namatay na naging dahilan ng lalong pag-iingay ng mga estudyante dito.
Pati sina Ace at Rage ay nakisama sa pagsigaw at pagwagayway ng kanilang light stick.
"I like this, they gone wild." natatawang sabi nu'ng babaeng host sa kaniyang co-host. "'Wag na tayong magpatumpik tumpik pa. For our first invited band, Parokya Ni Edgar!"
Umingay lalo ang mga estudyante ng lumabas ang Parokya Ni Edgar.
"Tangina sana kantahin 'yung Don't Touch My Birdie!" tuwang tuwang sabi ni Ace at saka pasimpleng umakbay du'n sa babaeng nasa unahan niya.
"Rak na rak na ba kayo, Heinzians?"
Nagsimula na silang pumwesto nang marinig ang malakas na sagot ng mga estudyante.
"Para 'to sa mga torpe at nagsayang ng mga oras at panahon para umamin. Kung alam mong isa ka, para sayo 'to pare." natatawang sabi ni Chito Miranda at bumilang ng tatlo.
"Napatunganga nung bigla kitang nakita pagkalipas ng mahabang panahon. Highschool pa tayo nung una kang nakilala at tandang tanda ko pa noon pa may sobrang lupit mo na!"
Simula pa lang ay hype na agad ang karamahin, kasama na doon si Ace.
"'Di ko lang alam kung paano, basta biglang nagsama tayo.
di nagtagal ay napa-ibig mo ako." nailing si Chito dahil mapababae o lalaki ay nakikisabay sa kaniya."Mula umaga, hanggang uwian natin
laging magkasama tayong dalawa
parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat. Tila isang dulang medyo romantiko ang banat.""Shawn ba't ang tahimik ni Trick ngayon?" tanong ni Sid nang hindi nakatingin sa akin dahil nakapokus ang kaniyang mata sa stage.
"Ngunit nang mapag-usapan,
bigla na lang nagkahiyaan mula noon hindi na tayo nagpansinan!"Napatingin ako kay Trick na walang emosyon at nakatitig lang sa stage.
"Sabayan niyo ko!" sabi ni Chito at itinapat ang mic sa crowd. "At bakit ko ba pinabayaan, mawala ng di inaasahan. Parang nasayang lang,
nawala na, wala nang nagawa!" katulad ng sinabi ni Chito ay sumabay ang mga estudyante, pati si Sid ay nakikanta na rin.

BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Dla nastolatkówJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...