Chapter 50

76 3 3
                                    

Third Person's POV

"Babe you stay here with Jade, okay?" tarantang bilin ni Trick sa kaniyang girlfriend matapos makatanggap ng tawag ay naging ganu'n na ang mga lalaki.

"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Jade ngunit ni isa ay walang sumagot

Dali daling sumakay ang apat na lalaki sa kotse ni Sid. Tarantang taranta ang mga ito at tila hindi pa alam kung sino ang magmamaneho. Maririnig mo rin ang pagpapalitan nila ng mga mura sa isa't isa.

Nagsimulang sumibol ang kaba sa dibdib ni Jade. She can't grasp any clue on what's happening.

Napalingon siya kay Bea na ganu'n din ang itsura, hinuhulaan ang bawat galaw ng mga lalaking hindi pa nakakaalis ngayon dahil sa pagkataranta.

"Tangina ako na ang magda-drive!" sigaw ni Trick at saka binuksan ang driver's seat. "Saang ospital?" muli nitong tanong

"Sa ospital namin dude." nanginginig na sabi ni Rage

Mabilis na pinaandar ni Trick ang kotse. Kanina pa nagsimulang sumipa ang kaba sa kanila.

Walang nakakaalam sa kanilang apat kung ano ba talagang nnagyari sa kanilang kaibigan. Hindi rin nila ito sinabi kay Jade at Bea dahil 'yun ang bilin ni Lolo Antonio.

Nang makarating sila sa ospital ay nag-uunahan silang nagtakbuhan sa emergency room.

Nadatnan nilang nakaupo doon si Lolo Antonio at ang hindi mapakaling si Tita Shanon.

"Tita..." sambit ni Ace saka dali daling yumakap sa kaniya, muling itong humagulgol.

Makalipas ang anim na oras ay lumabas ang ama ni Rage sa emergency room. Agad na dumalo ang mga ito dito.

"Danilo, kumusta ang apo ko?" tanong ni Lolo Antonio.

"He's fine, ililipat na lang namin siya sa maayos na room." nakangiting sabi ng ama ni Rage kaya naman nakampante ang mga ito, "May isa lang tayong problema Shanon, Tito Antonio..."

Nakatitig ang ina ni Shawn sa anak nitong nakahiga, pinagmamasdan ang mga galos sa mukha at ang nakabenda nitong dalawang paa na nakataas.

Muli na naman itong napaiyak nang maalala ang sinabi ng ama ni Rage.

"I'm sorry," hindi maalis ang luha sa mata ng ina ni Shawn ngayon.

Alam niya kung bakit nangyari ito sa kaniyang anak. Alam niyang isa siya sa may kasalanan dito. Pero ang hindi nito alam ay ang lalim ng pagmamahal ni Shawn sa babaeng dinala nito noon sa Bicol, nalaman niya lang ang lahat kina Ace nang sabihin ng mga ito.

Sinabi rin nina Ace na sigurado silang hindi papayag si Shawn kaya kailangan muna nila itong kumbinsihin.

Hindi na malayan ng ina ni Shawn ang oras at nakatulog na habang hawak ang kamay ng kaniyang anak.

Mag-a-alas otso na ng gabi at sina Sid muna ang magbabantay kay Shawn. Kanina pa ito gising pero hindi nagsasalita.

Tumango si Trick hudyat para ipaalam na sa kaibigan ang sinabi ng ama ni Rage.

"Dude..."

"Nasaan si pantal?" tanong nito

Napalunok si Ace sa tanong ni Shawn.

"Hindi namin sinabi sa kaniya dahil 'yun ang bilin ni Lolo Antonio." sagot ni Rage

Muling natahimik ang buong kwarto. Muling nawalan ng lakas ng loob ang apat na sabihin sa kaibigan ang tunay na problema.

"Anong sabi ng doktor?" muling tanong ni Shawn.

Nagkatinginan ang apat at saka sumagot si Rage.

"You're fine, walang kahit na anong damage sa ulo mo."

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon