Jade's POV
Pagkatapos ng 'date' namin ay pauwi na kami ni manyak nang dumaan pa kami sa isang bakeshop. Bibili lang daw siya ng cake.
"Para kanino?" tanong ko dito
"Birthday ni Mom bukas." sabi nito at nagbayad na.
"Wow! Wala pa tayong regalo manyak!" sabi ko sakaniya
"Ako meron na ikaw lang ang wala pa." sabi niya sakin na ikina-kunot ng noo ko.
"Daan muna tayo sa mall." sabi ko kaya naman iniliko niya ang kotse niya.
"Ano bang gusto ng Mama mo?" tanong ko
"Malay ko." tipid na sabi nito
"Problema mo ba? Ano nga kasi!" pamimilit ko.
"Simpleng bagay lang, bilhan mo ng house and lot." pang-aasar pa nito na lalong kina-inis ko.
"Pupukpukin kita nitong heels e. Ano nga?!" sigaw ko at tumawa pa ang walang hiya!
"May itatanong ako sayo pantal."
"Ano?" tanong ko habang nakapila kami rito sa cashier.
"May gusto ba sayo si Rage?" tanong niya na ikina-gulat ko.
Tumawa ako sa tanong niya, may naalala tuloy ako.
"Jade, tanda mo pa nu'ng isang araw? 'Yung hindi kita pinagdala ng lunch kasi may dala na ko nu'n." sabi ni Rage na nakatayo sa harapan ko. Nandito kasi kami sa labas ng room ko dahil pina-excuse niya ko saglit.
"Hmm, oo." natatawang sabi ko
"Oo 'yun nga, gusto ko lang humingi ng sorry if naging uncomfortable ka sa akin ng araw na 'yon." sabi niya
"Okay lang 'yun 'no! Ang sarap nga ng luto mo e!" sabi ko sakaniya at tumawa na rin.
"Kasi naman naaalala ko sayo 'yung bunso kong kapatid. I just remembered her kasi ngayon lang ulit ako naging close sa ibang babae." malungkot na sabi niya.
"Ah Rage ku—"
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong niyakap.
Tumagal kami ng dalawa pang minuto, buti na lang walang nadaa—
"Kung magyayakapan kayo sa labas ng room habang may nagkaklase sa loob ay dumiretso kayo sa detention room." sabi nu'ng boses sa likod ko.
Mali pala ko, dumaan kasi 'yung disciplinarian na dinaig pa ang dean kung magsungit. Napakasungit! Palibhasa matandang dalaga.
"Pero Ma'am—" naputol sa pagpapaliwanag si Rage nang magsalita si Ma'am.
"Detention." mariing sabi nito kaya napakamot na lamang siya ng batok.
Hindi naman ito ang first time kong madetention pero nakakahiya pa rin dahil scholar ako. Katulad ni Rage ay napakamot na rin ako sa hindi makati.
"Alam kong may bunsong kapatid si Rage pero sigurado ka bang walang gusto sayo si Rage?" tanong niya pagkatapos kong magkwento.
"Kailan ba ko nagsinungaling sayo ha manyak?" inis na sabi ko sabay siko sa kaniya.
"Magbayad ka na nga!" sabi niya sabay abot sakin ng credit card niya.
Kinuha ko na iyon dahil nga wala nga akong dalang kahit ano nu'ng pumunta kami dito sa Bicol 'di ba? Kahit nga underwear, e siya pa ang taga-supply ko.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...