Chapter 11

595 20 2
                                    

Jade's POV

Bad trip sakin si Shawn dahil ako daw ang kumuha ng cellphone niya. Tama nga siya ng hinala dahil dinekwat ko nga ang cellphone niya.

Bakit?

Dahil sabi sakin ni Ace na si Shawn daw 'yung nanti-trip sakin na unregistered number. Kaya sa sobrang curious ko ay kinuha ko nga itong cellphone niya, sa tulong na rin ng magiting na si Ace.

Nakakainis dahil magto-two months nang nanti-trip 'yung unregistered number na 'yun, siya lang pala! Siguro kung hindi pa sinabi sakin ni Ace na si Shawn 'yon ay mukha akong tanga na nagtatanong na nagtatanong kung sino ba 'yung walangyang 'yun. Malamang sa loob loob ng manyak na 'yon ay tawang tawa 'yon sa gabi-gabing panggugulo niya sa pagtulog ko, at sa araw-araw na pagkikita namin dito sa H.U. 

Kinuha ko kaagad 'yung cellphone ni Shawn sa bulsa ko para inspeksyunin. Nang buksan ko na iyon ay kailangan pala ng pincode.

Hala!? Anong pin nito?

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko para itext si Ace kung anong pincode ng cellphone ni Shawn.


Ace


Ace, alam mo ba kung anong pincode ni Shawn sa cellphone niya?


Hindi e. Wait lang tatanong ko kay Sid.


Sige. Salamat!


Vacant namin ngayon kaya pumunta muna kami ni Bea sa garden para dito tumambay. Wala kasi kaming klase ngayon sa Digital Design 2 dahil nga malapit na ang prelims. 

Tsk! Isa pa 'yun sa mga problema ko, e.

Naupo kami ni Bea sa damuhan. Habang ako ay todo kalikot dito sa cellphone ni Shawn. Ang ganda kasi nu'ng kulay e, kulay red na malaki at manipis. Ang astig!

"Ang cute ni Trick 'no?" Nabaling ang atensyon ko ng bigla siyang nagsalita.

Nilingon ko ito sa tabi ko habang inaayos ang palda na nagusot dahil sa pagkakaupo.

"Ikaw ha Bea pangatlong araw mo pa lang dito sa H.U. Pumapag-ibig ka na agad." pang-aasar ko sa kaniya.

"Hindi ah! Naku-cutan lang ako kay Trick kasi─" deny pa Bea. "kasi ano─kasi ang cu─te ng ano niya... ng mga tainga niya. Tama! Ang cute nga ng mga tainga niya." pangangatwiran pa niya.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan tungkol kay Trick, hindi naman siya masyadong obvious na interesado kay Reyes 'no?

"Madami talagang nagkakagusto kay Trick dito sa H.U. Grabe! Dati nga kasama ko lang 'yun na maglakad may sumabunot na saking isang babae." kwento ko sakaniya

"Grabe naman 'yun."

"Oo! Ikaw ba naman na kasama mo lagi 'yung anim na 'yun. Nako, ewan ko lang sayo." natatawang sabi ko

"Anim? Akala ko lima lang sila?" nagtatakang tanong niya sakin.

Ay? Oo nga pala 'di niya pa nakikita at nakikilala si Hiro.

"Yup. Anim sila, si Hiro 'yung isa. Nasa Japan kasi siya for business matter." paliwanag ko dahil halatang hindi niya naiintindihan. 

"Business matter?" tanong nya ulit

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon