Jade's POV
"O-ouch." daing ko dahil parang nilalagare 'yung ulo ko sa sobrang sakit.
Bumangon ako at upo sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Ugh!" inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto.
Nasa couch si manyak at mahimbing na natutulog.
Tumayo ako para gisingin sana siya ng magflashback sakin lahat ng nangyari kagabi.
"Crush kita!" sabi ko sa kaniya at hinalikan ulit siya sa sa kaniyang labi.
Anong kagagahan ang pinaggagawa mo kagabi Jade?!
"Nakakahiya!" mahinang sabi ko sa sarili ko at tumalikod sa pagkakaharap sa tulog na Shawn.
Tumayo ako at pumunta sa CR, humarap ako sa salamin.
"Nagkiss ulit kayo! Hindi lang basta halik! Matagal na halik ang hiningi mo Jade! Nababaliw ka na talaga Jade! Ngayon anong mukha ang ihaharap mo kay Shawn ngayon ha? Ugh!" inis na sabi ko sa sarili ko.
Umupo ako sa may bowl at sinabunutan ang sarili kong buhok.
"Ugh!"
Dali dali ako nagbihis at nag-ayos ng sarili bago pa magising si Shawn.
Pagkalabas ko ng kwarto niya ay huminga ako ng maluwag.
"Sino ka?"
Napalingon ako sa boses na iyon.
"Uh, magandang umaga po, ako si Jade. Ako po 'yung student buddy ni Shawn." sabi ko sa matandang kaharap ko.
"I see, hindi sa akin na sabi ni Mr. Somber na 24/7 ang pagbabantay mo sa apo ko." natatawang sabi ng matandang 'to.
"Po?" nahihiyang sabi ko
"Wala, kumain ka na ba?" tanong niya sa akin
"Nako, 'wag na po. Aalis na rin naman po ako." sabi ko
"Bakit? Hindi mo ba hihintayin magising si Shawn?" tanong niya.
"Nako 'wag na po." sabi ko habang iwinasiwas ang kamay ko na tanda ng pagtanggi.
Shit, hindi niya pwedeng gisingin si manyak.
"Papahatid na kita kay Fred."
"'Wag na po, kaya ko naman po." muli na namang tanggi ko
"I insist, iha. Fred, ihatid mo 'tong friend ng apo ko."
Nanlaki ang mata ko.
Shawn's POV
"Nang!" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko galing kwarto ko.
"Bakit anak?" tanong niya sa akin.
"Nakita niyo po si Jade?" tanong ko
"Ah, 'yung babaeng maganda 'ga? Ayun, umalis na at ipinahatid ng iyong lolo." sabi ni Nanang Baby.
"Nasaan po si tanda?" tanong ko
"Nasa dinning area, nakain na ng almusal."
Agad akong bumaba at pumunta sa dinning area.
"Tanda nasaan si Jade?" tanong ko rito
"Ah 'yung student buddy mo ba? Kaaalis lang pinahatid ko kay Fred." sagot nito at nagpunas na ng kaniyang bibig.
Umupo na ako sa hapag kaharap ng matandang ito.
"Kumusta apo? Kwento ka naman, dali."
Napatigil ako sa pagsubo ng bacon at nakakunot noong tumingin sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ko
"Anong nangyari sa inyo kagabi nu'ng "student buddy" mo?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.
"Nakakainis ka talagang lolo!" sigaw ko rito at padabog na inihagis ang table napkin sa lamesa.

BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
JugendliteraturJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...