Chapter 33

546 12 3
                                    

Shawn's POV

"Two weeks school service. Understand?" sigaw ni panot mula sa loob ng opisina niya.

Nandito ako sa labas dahil hinihintay ko si pantal. Walang pang ilang minuto ay lumabas na sila. Agad akong lumapit kay pantal at inakbayan, tiningnan ko ng masama si Sean.

Ngumiti ang loko at saka tinapik sa balikat si pantal kaya agad kong iniwas ito sa kaniya.

Ngumisi ito kaya nag-init ang ulo ko.

"Aba't gago 'to—"

"Manyak!" suway ni pantal sa akin

"Bye Tina!" kaway ni Sean at saka umalis na

Agad akong ngumiti nang mawala na sa paningin ko 'yung unggoy na 'yun.

"Tara?" sabi ko at niyakap siya mula sa likod niya.

"Saan?" tanong niya

"Date. I miss you so much." sabi ko at inilagay ang baba ko sa kaniyang balikat.

Humiwalay agad sakin si pantal ng may dumaan na mga estudyante. Sa halip na mainis ay humagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon niya.

Hinampas niya naman ang braso kaya mas lalo akong tumawa. Kumunot ang noo ni pantal.

"Sorry, tara na?" nakangiting sabi ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi, namula ang buong mukha niya kaya tumawa na ako at nagmadaling tumakbo.





Third Person's POV


Sean Yu

Nasa Mall na ako. Where are you?


Ibinaba agad ng babaeng ito ang kaniyang phone at inilibot ang paningin sa malaki at mataong mall.

Madami talagang tao sa mall kapag Sabado at agaw pansin ka pa kung may dala kang dalawang malalaking luggage lalo na kung maganda ka pa.

Hindi mapagkakaila na sobrang ganda talaga ng babaeng ito na nakatayo sa gilid ng Starbucks. May sunglasses at naka-highways shorts na tinernuhan ng polo shirt habang hawak ang dalawang maleta at apat na paper bag na may tatak na 'Duty Free'.

Tumunog ang kaniyang phone, hudyat na nakatanggap siya ng text mula sa kung sino.



Sean Yu

Gotcha


Ibinaba naman agad ng magandang dalaga ito ang phone nang sumigaw ang isang pamilyar na boses.

Ngumiti ang binatang si Sean nang makalapit sa dalaga, dinaluhan naman ng halik ng dalaga ang binata.

"Why are you here, ha? 'Di ba sinabi ko na sayo na sa airport na kita susunduin, such a stubborn girl!" sabi ng binatang si Sean habang kinukurot ang pisngi ng dalagang ito.

"Stop it, Sean." natatawang saway ng dalaga kay Sean. "I'm here for a shopping, duh. And! You'll gonna be my chaperon."

Nakangiting bumutong hiningi ang binatang si Sean habang umiiling-iling. Mukhang wala na siyang magagawa kun'di pagbigyan ang dalagang ito.

"Gaja ahjumma." asar ni Sean kaya sumigaw ang dalaga upang mahabol ang binata na may dala ng kaniyang maleta at paper bags.

Hindi alam ng dalawang ito na masyado silang maingay kaya agaw pansin sila sa madla.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon