Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka pinahiran ang aking pisngi na kanina pa basang basa ng luha.
"Sandali lang,"
Tiningnan ko ito saka marahang inalis ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko upang pigilan.
"Please, sandali lang pakinggan mo muna ako-"
"Sinusunod ko lang ang gusto mo, 'di ba ito ang gusto mo? Ang umalis ako."
Wala ng nagawa ang mga mata ko at muli na namang lumuha.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil nasasaktan din ako kapag nakikita kong umiiyak din siya.
"I'm sorry, please stay."
Tumalikod na ako at akma na sana akong maglalakad nang yinakap niya ako mula sa likuran.
"Don't go, stay with me. Hindi ko kayang mawala ka..."
Wala na akong nagawa kung 'di ang humarap sa kaniya at titigan siya sa mata.
Hinawakan naman niya ang aking magkabilang pisngi at maingat na pinunasan ang aking luha.
Unti-unti ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa isang sentimetro na lamang ang layo ng mga labi namin ay dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko.
"And cut!" sigaw ni direk
Agad na nagdaluhan sa akin sina Lucy at Mela—ang make-up artist at ang P.A. ko na prinovide sa akin ng agency.
"Tubig Ate Jade." inabot sa akin ni Mela ang tubig ko na may mga hiwa ng lemon.
Tinanggap ko iyon at saka uminom.
"Thank you, anong last scene?" nakangiti kong tanong dito
"Last scene na 'to Ate Jade." nakangiti ring sabi niya
Tumango ako habang pinupunasan ko ang pawis ko.
"Uwi na tayo," nakapikit na sabi ko
Habang nasa sasakyan kami ay mumulat ako at saka inayos ang pagkakaupo.
"Anong oras ang flight natin Mela?" tanong ko
"Mamaya pang 6:30 ng gabi Ate Jade makakapagpahinga ka pa."
"Salamat Mela,"
Ang bilis ng panahon, mahigit limang taon na rin ang nakakalipas—eight years to be exact.
Sa loob ng walong taon ay marami ng nagbago.
Nadiscover ako ng isang talent manager at kinuha ako bilang isang artista. Nu'ng una ay tumanggi ako dahil ayoko ng mga ganoong bagay pero wala na rin akong nagawa dahil masyadong persistent ang talent manager.
Mahigit dalawang buwan niya akong sinundan, lagi itong nanonood ng mga band practice namin at ng mga gig namin.
Makalipas din ng isang taon ay umuwi si papa para kunin kaming dalawa ni Jervin at dito na sa Canada manirahan.
Hindi ako pinayagan ng agency nu'ng una ngunit wala rin silang nagawa kaya puro commercials at magazine photoshoots lang ang nagagawa ko hanggang ngayon at nang malaman ng agency na uuwi ako ay binigyan na agad ako ng isang big screen project na tinapos agad nila ang taping namin dito sa Canada, which is actually ang trailer ng movie.
"Ate, may invitation na dumating." sabi ni Jervin pagkauwing pagkauwi ko
Habang nainom ay inabot niya iyon sa akin.
Nakakunot ko naman iyong sinuri bago buksan.
You're invited to the Wedding of Mr. Trick Ivan Reyes & Ms. Bea Clifford.
![](https://img.wattpad.com/cover/55593212-288-k164158.jpg)
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Genç KurguJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...