Jade's POV
"Sa tingin mo gumwapo ka na sa lagay mong 'yan?" tanong ko dito sa manyak na 'to. Nandito kami ngayon sa rooftop dahil dito niya naisipang maglunch.
"Oo, matagal na kong gwapo kaya 'wag mo nang itanong pa." mayabang na sagot nito.
"Ang hangin dito 'no Hiro?" tanong ko sa isa ko pang katabi.
"Medyo," tipid na sagot nito.
"Hoy Pantal! Paabot nga nu'ng ulam na 'yan. Ano bang tawag d'yan? Mukhang masarap, ah." walang galang na suyo nito sa akin
"Abutin mo may kamay ka naman 'di ba?" inis na sagot ko.
"Menudo lang hindi pa alam." pabulong na sabi ko at muling sumubo ng kanin
"Jade ano 'yang ulam mo?" tanong ni Hiro. Ay? Isa pang 'di alam kung ano 'to?
"Alam ko na 'yan! Ketchup na kinarne with matching beans, carrots, patatas at iba pa." walang kakwenta-kwentang epal nitong manyak na 'to.
"Menudo 'yan!" inis na sagot ko.
"Ano mehudo?" tanong ni Hiro
"Ano ba naman 'tong hapon na 'to! Mundo daw. Teka, may ganong ulam ba?"
Unang araw ko pa lang bilang isang student buddy pero parang ayoko na! Ang sakit sa ulo!
Habang nainom ako ng tubig ay pinapatawa ako ni Shawn este manyak. Kung ano anong ginagawa niya. Hanggang sa di ko na nakayanan at naibuga ko 'yung tubig sa bibig ko sa uniform ni Hiro.
Tawang tawa si demonyong manyak habang nakahawak pa sa tiyan niya.
"Sorry Hiro. Sorry talaga!" sabi ko habang pinupunasan 'yung uniform niyang basa.
"No, it's okay. Kukuha na lang ako ng bagong uniform sa locker ko." sabi nito at tuluyan nang umalis.
Humarap ako sa lalaking ito na hindi pa rin tapos sa pagtawa.
"Kasalanan mo 'to!" gigil na sigaw ko
"Kasalanan ko bang tumawa ka?" natatawang tanong nito.
"Oo! Kung hindi mo ko pinatawa, edi sana hindi ko naibuga kay Hiro 'yung tubig!" sigaw ko ulit
Pigilan niyo ko! Nanggigigil na ko sa demonyong manyak na to.
"Sino ba kasing may sabing tumawa ka?"
Pang-inis talaga 'to e, 'no? Sasapakin ko na 'to!
"Alam m─"
"Hindi pa, e. Ano ba 'yun?"
Bwiset ka talaga Dela Cortez! Bwiset ka!
"Gwapo ka s─"
"Thank you." pagputol ulit nito.
Isa pa! Isang isa na lang talaga babaugin ko na 'to!
"Kung gaano ka-anghel 'yang mukha mo, siya namang kabaliktaran ng ugali mo!" inis na sigaw ko sa kaniya.
"Oh at least gwapo hindi ba?" nakangising sabi nito.
"Bahala ka nga d'yan!" sabi ko at saka ko kinuha 'yung mga gamit ko at umalis na sa rooftop.
Bwiset na manyak 'yun! Panira ng araw eh!
Nandito kami sa mall ngayon ni Hiro, sinamahan niya kong mamili ng grocery para saming dalawa ni Jervin.
"Who's Jervin by the way?" tanong ni Hiro
"Uh, kapatid ko." sagot ko habang tinutulak ang cart
"Bakit kayo lang ang may grocery? I mean your parents?" tanong niya ulit
Napatigil ako sa pagkuha ng mga canned goods, at lumingon sakanya nang may pilit na ngiti sa labi.
"Si Mama ay namatay nu'ng 12 years old palang ako. Namatay siya sa panganganak kay Jervin. Samantalang si Papa naman ay nasa Canada, OFW siya du'n." sagot ko
"Oh, I'm sorry to hear that."
"Okay lang." sabi ko at saka bumalik na ulit sa pagkuha ng mga canned goods at iba pang pagkain para sa bahay.
Habang nagtutulak ng cart si Hiro dahil nagpresinta siya, ako naman ay pumunta sa meat section para bumili ng karne.
"Ano sa tingin mo ang mas masarap Hiro? Pork, beef, or fish?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kaniya. Nakafocus lang ako du'n sa may glass ng mga karne at tumitingin.
"Uhmm, I like fish rather than pork and beef, but it's up to you." suggest niya.
Fish? Nu'ng mga nakaraang araw kasi puro karne kami ni Jervin, e. Sige na nga fish na lang para maiba naman.
"Kuya isang kilo po ng tilapia." sabi ko du'n sa lalaki.
"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
"A little bit." tipid na sagot nito
Pagkatapos naming magbayad sa counter ay kumain muna kami sa isang fast food chain. Si Hiro na rin ang pumili at sa isang Japanese resto ang kakainan namin.
Siguro kaya ito ang pinili niya kasi namimiss niya na 'yung mga pagkaing japanese.
"Masarap ang mga foods dito Jade." nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang din ako sa kaniya bilang sagot.
Napansin ko lang, kapag nangiti si Hiro pati mata niya nangiti rin. Ang cute lang tingnan. Nakakainggit siya.
Matapos mag grocery at kumain ay pauwi na kami ni Hiro nang bigla naming makasalubong si manyak.
"Dating huh?" nakangising sabi nito.
Kami ni Hiro nagde-date? Oo pake─ este hindi ah! Hello? Tingnan mo kaya 'yung mga hawak naming plastic bags. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Hiro.
"None of your business Dela Cortez." kalmadong sagot naman ni Hiro
"Dude kailan ka pa nagkainteres sa kasama ni Shinichi?" tanong naman ng kasama ni manyak.
"Oo nga Shawn?" singit pa nu'ng isa
Bago umalis ay tinitigan muna kami ni manyak at saka umismid ni manyak kasama 'yung tatlo pang lalaki.
"Kilala mo 'yung mga 'yon Hiro?" tanong ko.
Syempre malay mo 'di nya 'yun kakilala kaya mas mabuti na 'yung nagtatanong. Teka! Pero kakausapin niya ba 'yun kung 'di niya kilala? Dela Cortez daw eh, so si manyak lang ang kilala niya.
"Yeah. I know them, all of them." sagot ni Hiro
"I can see it in your eyes." nakangising sabi nito.
"Oh, I see." tipid na sabi ko na lang sa kaniya
Pero ang gwapo nu'ng isa dun sa tatlong kasama ni manyak. Yung maputi, ano kayang panga─
"He's name is Ace Valderama." sabi ulit ni Hiro na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.
Napatingin ako nang bigla tumawa ng mahina si Hiro. Hinampas ko siya ng mahina sa kaliwang braso niya dahil kasabay ng kaniyangg pagtawa ay ang pagngiti rin ng kaniyang mga mata.
"Patawa tawa ka pa diyan. Tara na nga! Mag gagabi na oh, baka hinahanap na ko ni Jervin." sabi ko at nauna nang naglakad sa kaniya papuntang sasakyan niya
"Yeah. Let's go." tipid na sagot nito at sumunod naman sa akin.

BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Roman pour AdolescentsJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...