Shawn's POV
Nakaupo ako dito sa isang bench sa field dahil hinihintay ko si pantal. Sabado ngayon at may klase pa kami, siya naman ay kinuha ang assigned project sa kaniya.
"Like, oh my gosh girls. Tumingin sakin si Shawn babes, nakita mo?" malalakas na sigawan ng mga babae. Naiirita ako sa mga ganitong eksena.
Nanatili akong nakaupo at hindi pinansin ang mga ito.
Napatayo ako nang makita kong naglalakad na si pantal pababa ng building nila, nakasimangot siyang nakatingin sakin.
Problema ng love ko?
Napangiti ako sa iniisip ko.
Nang makalapit siya sakin ay inakbayan ko siya. Napatingin siya sakin habang nakakunot ang noo.
"Date tayo?" yaya ko sa kaniya.
"May bibilhin pa ko na gamit para sa project ko." ungot niya.
"Okay, samahan na kita." sabi ko at naglakad na kami papuntang parking lot.
Habang nagda-drive ako ay napapatingin ako sa kaniya na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.
Nagtungo kami sa National Book Store dahil doon daw siya bibili ng mga gagamitin niya. Kumuha ako ng basket at muli siyang inakbayan.
Kumuha siya ng; isang balot ng fine grit sand paper, drop cloth, set of brush, watercolor in bottle na magkakahiwalay na 'yung kulay.
"Ba't ang konti n'yan?" tanong ko
"Eto lang 'yung kulay na gagamitin ko, e." sagot niya at inilabas ang wallet niya.
Pumila na kami para bayaran ang mga binili niya. Mahaba ang pila at nasa pinakadulo kami.
"Pantal, d'yan ka lang ha?" sabi ko
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakakapit sa laylayan ng uniform ko.
"May bibilhin lang ako. Saglit lang talaga." nakangiting sabi ko sa kan'ya.
Dahan dahan naman niyang binitawan ang laylayan ng uniform ko. Umalis na ako at pumunta sa section ng mga colors.
"Miss," tawag ko du'n sa isang sales lady.
"Yes Sir Shawn?" tanong niya
"Can I have the best set of watercolors, with all colors in it." sabi ko
"Yes Sir, I'll just get it." nakangiting sabi niya at umalis na.
"Okay." sabi ko at tumingin tingin muna.
Third Person's POV
Halata mong hindi magkanda-ugaga ang lalaking ito sa pagmamasid kay Shawn Dela Cortez, ang unang apo ni Mr. Antonio Dela Cortez na kilala sa buong Asia bilang isa sa pinakamaunlad at mayaman na businessman.
Mas lalong hindi siya mapakali dahil sa kanina pang pagtunog ng kaniyang telepono, mukhang tumatawag na naman ang makulit niyang anak.
Pinatay niya ito at nagpatuloy sa pagmamasid sa apo ni Mr. Dela Cortez.
Masasabi nga talagang nagmana sa ama itong si Shawn. Ang ilong na matangos, ang morenong kulay, ang mga labi, at ang tindig ay nakuha niya sa kaniyang ama.
"Pati ang pag-uugali." bulong nito habang hindi inaalis ang paningin sa binata.
Halos maglilimang taon niya nang binabantayan ang binatilyo kaya alam niya na ang mga kilos nito at ang mga pangyayari sa buhay ng binata bago pa dumating ang dalagang si Jade.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
أدب المراهقينJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...