Chapter 5

848 25 1
                                    

Jade's POV

Friday na, ang pinakahinihintay kong araw. Sa wakas magde-day off ko na rin bilang isang student buddy bukas.

"Are you sure na hindi mo 'yan kilala?" tanong sakin ni Hiro.

"Oo, nagulat na nga lang ako ng bigla 'yan nagtext sakin nu'ng isang gabi at pati rin kagabi." paliwanag ko sa kaniya.

'Yung pinag-uusapan namin ay 'yung nagtetext sakin nu'ng isang gabi na unregistered number.

Naglalakad kami ngayon ni Hiro papuntang garden dahil nandoon si manyak, du'n niya kami pinapapunta. Ang bossy talaga ng lalaking 'yon, lagi na lang kami 'yung susunod sa kaniya.

Nang makarating dito ay kasama na rin pala ni manyak sina Rage.

"Jade!" bati nito sakin sabay akbay. Ganu'n din naman sina Ace at Sid.

Napansin kong may isa pa silang kasamang lalaki, siguro siya na si Trick. Nakahiga ito sa damuhan at nakain ng chips.

Pumulot naman ng maliit na bato si Ace at binato nito 'yung Trick.

"Bakit?" inis na bangon nito at masamang tinitigan si Ace

"Gago ka, akin 'yang chips na tinitira mo!" sigaw naman ni Ace at saka hinablot ang chichiryang hawak ni Trick.

"Para 'yun lang, damot nito! Sana pala 'di na ko pumasok, nakaka-antok lang, e." sabi ulit nito at humiga na

"Trick si Jade nga pala, Jade ayun si Trick." pagpapakilala ni Rage sakin.

Napatayo naman agad si Trick at pinagpagan pa nito ang pantalon niya. Dali-dali itong lumapit sakin at inabot niya ang kamay ko.

Nagulat ako ng umakbay agad ito sa akin at nagpakilala.

"Trick, ikaw 'yung student buddy ni Shawn 'no?" tanong nito sa akin

Binatukan naman ni manyak si Trick.

"Reyes, ikaw nga'y maghilamos ng mga mata mo araw-araw." sabi nito sabay subo nu'ng chips sa bibig niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong naman ni Trick.

"Saka 'wag kang umakbay diyan kay pantal, nagmumukha lalong sandalan, e." nakangising sabi ni manyak

"Bwisit ka talaha, e no?" inis na singhal ko dito.

Tumawa na lamang ito bago, isubo muli ang chips sa kaniyang bibig. Kung pwede lang sana ay mabilaukan siya, mukhang hindi ko na 'to matatansya, e.

Matapos ang asaran at kumain nang lunch ay tumayo na si Hiro at pinagpagan ang pantalon.

"Jade I have to go, I have my class in Business Math." paalam nito at umalis na.

Nandito pa rin ako ngayon sa garden, kasama ko pa rin 'yung lima. Si Hiro kasi may klase pa, iba-iba naman kasi 'yung major namin pero 'yung course nila ay pare-parehas na Business Ad, samantalang ako ay Fine Arts major.

Wala akong klase ngayon at etong lima naman ay nagbabalak magcutting.

"Ang korni naman kasi nu'ng sunod na subject natin, e." sabi ni Trick at saka dumapa sa pagkakahiga niya.

"Oo nga. Si Sir. Ong lang naman." sang-ayon namang sabi ni Ace

Humiga na rin ako sa damo at umunan sa kanang braso ni Sid. Tumingin ako sa langit at ngumiti.

"Kung maglaro kaya tayo?" masayang tanong ko

"Ano namang lalaruin natin? Ayoko ng truth or dare ha? Please lang." supladong sabi ni manyak kaya napairap ako

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon