Chapter 9

686 21 0
                                    

Jade's POV

"Ah, so inintay mo ko kaya ka pumunta dito?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami papuntang rooftop.

"Asa ka! Papagalitan ka 'di ba ni Mr. Somber kapag 'di niya nakitang kasama mo ang isa samin ni hapon, kaya pinuntahan na kita sa room niyo." naka-kunot noong sabi nito sakin

"Ah, okay." sabi ko na lang habang hinihipan pataas 'yung bangs ko

"Oh!" Napatingin ako sakaniya dahil may inabot ito sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko sabay tapat sa mukha niya nu'ng isang paper bag na punong puno ng strawberry.

"Seriously? 'Di mo alam ang tawag d'yan?" nagtatakang tanong nito sakin

"I mean para saan 'tong mga strawberries na 'to?" pabalik na tanong ko baka sakaling 'di pa niya magets.

"Peace offering?" kibit balikat na sagot nito.

"Peace offering?" tanong ko

"'Yung sa ano... 'Yung. Ah basta! Peace offering ko 'yan." sabi nito

"Okay?" nagtatakang sagot ko naman. Kumuha ako ng isang strawberry du'n sa paper bag at kinain iyon. Hmmm.. Tamis ah.

"Masarap?" tanong nito

"Oo. Gusto mo?" sabi ko sabay bigay sakaniya nu'ng paper bag.

"Ayoko." tipid na sagot niya. Kaya bumalik na lang ako sa pagkain.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Uuwi na." sagot niya

"Hahatid mo ko?" tanong ko at saka ako tumingin sakaniya, kumunot ang noo nito. Bakit? May sinabi ba kong masama?

"Hindi 'no!" sabi nya at saka umiwas ng tingin.

"Oh, eh bakit nasabay ka sakin?" tanong ko ulit

"Gusto ko, e. Wala akong kasabay kaya sa ayaw at sa gusto mo sasabay ka sakin." maawtoridad na sabi nito

"O─okay." nauutal na sagot ko na lang. Natakot ako sa mga mata niya

Habang naglalakad kami ay 'di ko maiwasang hindi mapatingin sakaniya, gusto ko sanang magtanong kung sinasadya niya bang igalaw 'yung mga labi niya nu'ng araw na nahalikan niya ako.

"Shawn?"

"Hmm?"

Nakakahiya! Paano ko ba sisimulan 'yung pagtatanong sakaniya?

"Ano 'yon?" tanong ulit nito, pero this time nakatingin na ito sakin

"Wa─wala!" sabi ko sabay iwas ng tingin sakaniya. Nakakailang pa rin talaga.

Wala nang nagtangkang magsalita sa amin, nanatili lang akong nakatingin sa sapatos ko, papunta kasi kaming car park ngayon dito sa school. Since pupunta daw muna kaming mall dahil may bibilhin siya.

Hindi pa kami nakakasakay ng kotse ni Shawn ay may naririnig na kaming ungol mula sa katabing kotse nito. Hindi ko maiwasang ikunot ang noo ko dahil dito, sino bang mga matitinong tao ang magm-make out sa loob mismo ng school?

"Kayong dalawa! Du'n kayo sa condo magputukan!" sigaw ni Shawn at kinatok 'yung bintana ng kotse.

"Tangina Shawn! Istorbo ka lalabasan na ko dito eh." 

Familiar na boses ang sumagot mula sa loob ng pulang BMW. Alam at narinig ko na ang boses na iyon kaya sigurado akong kilala ko itong nasa loob. 

"Gago ka Ace ikaw lang pala! Du'n nga kayo sa condo mo. Mafa-flat na 'yung gulong ng sasakyan mo kaka-bayo niyo d'yang gago ka!" sigaw ulit Shawn at sinipa 'yung gulong ng sasakyan ni Ace.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon