Chapter 8

6.2K 181 8
                                    

You can never fool a person whose heart had been shattered into million pieces. -Ms. Cari

"Nakikita mo ba 'yang plato sa sahig?" tanong ko sa kanya. "Ganyan ako kabasag. Na nakakatakot na subukan buoin. Kasi sa halip na mabuo, makakasakit pa ako. H'wag mo nang subukan pa. Dahil ang puso ko? Bato na yata. Hindi ako madadala sa salita o gawa. Kaya itigil mo na 'yan."

Nakita ko lang ang mariing ngisi niya. Is he thinking that I'm just kidding around?

"Try me, Ms. Xareen," he said with confidence. "I get what I want. Trust me, you cannot resist me."

"Oh, really? Kailangan ko na bang matakot? Bahala ka. You'll waste all your time and effort for me."

"Hahaha! You cannot scare me. Maniwala ka sa akin, mahuhulog ka sa akin. At kapag nangyari 'yon, hinding hindi na kita bibitawan at hahayaan katulad noon."

O-okay? I was left dumbfounded. Seryoso ba talaga siya?

Nilinis ko muna ang nabasag na plato bago ako dumeretso sa opisina ko. Nakita ko pa na nasa labas si Mr. Lim at nakamasid sa anak namin. Bahala siya sa buhay niya. Mainip siya rito!

Hay! Kung ano ano ang pinagsasasabi ng isang 'yon. Pero, kinabahan talaga ako. Ibang iba ang tibok ng puso ko. 'Yung tipong parang gusto nang kumawala ng puso ko palabas sa dibdib ko.

Ewan ko ba, pero noon ko lang 'yon ulit naranasan. May mga nagbalak na rin manligaw sa akin na amerikano, pero everytime na gagawa sila ng paraan ay hinaharang ko na sila. Hindi dahil hindi sila qualified, kung hindi dahil ayoko na magmahal ng iba maliban sa anak ko.

Hindi ko alam kung saan hinuhugot ni Mr. Lim ang kompyansa niya sa katawan. Pero kahit ano sigurong gawin niya ay wala akong pakialam. Sabi ko nga noon, kung sa ibang pagkakataon ko siguro siya nakilala baka sakaling buksan ko ang puso ko. Pero huli na kasi. Huli na para sa sinasabi niyang pag-asa.

"Xareen, kain na tayo?" Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Glow sa opisina ko. Ano na ba'ng oras?

"Bakit? Tanghalian na?"

"Ay opo! 30 minutes na lang po."

"Grabe! Wait! Magluluto na ako!"

Mabilis akong tumayo sa swivel chair ko at naglakad palapit sa kanya.

"Nakapagluto na si Cole. Hindi mo na kailangan mataranta," harang nito sa akin nang akmang tatakbo ako.

"Seryoso?"

"Opo."

"Marunong?"

"Oo! At mas masarap siyang magluto kaysa sa 'yo!"

Hiyang hiya naman daw ako sa kanya.

"At least ako marunong magluto. Hindi katulad ng iba d'yan na mas pipiliin pang magutom kaysa matutong magluto," parinig ko at inirapan siya.

Nauna na akong magtungo sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay ay naamoy ko na agad ang mga niluto niya. At masasabi kong nakakagutom nga.

Oh my gosh! That's all I can say. He prepared different kind of dishes. There's meat, chicken, seafood. And I wonder where did he get those food.

"Oh! Let's eat, Ms. Xareen."

"Mom! He's great!"

"Really? Better than me?" I asked my son who is already sitting on a chair.

"Uhm, slight," he answered politely.

"Hahaha! Sabi naman kasi sa 'yo eh," sabat ni Glow.

"Ewan ko sa 'yo! Nasaan ba si Gerald nang manahimik ka?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon