Chapter 9

6.5K 164 4
                                    

I am whole and you cannot love me by parts. Loving me means full package. -Ms. Cari

How can we say that we like someone? Is it how they talk, walk, act, eat, drink, read or write? Or is it the way they see things. Is it their positive attitude? Or simply we see their uniqueness among others, the good things they are keeping inside them.

"Ano na? Kasalan na ba?"

"Sira! Alam mo naman na ikakasal muna si Gian. Bukas na sila uuwi. At mag-uumpisa na kami sa pag-aasikaso."

"Oh! So, next year na lang kayo?"

"Echusera ka! Kakabati lang namin. At saka hindi pa siya nagpo-propose! Heller!"

"Seryoso? Ano ka celebrity at may proposal pa? Arte mo!"

"Maarte na kung maarte! Basta gusto ko 'yon!"

"Minsan sapat na 'yung lalaki lang. Kung ako nasa kalagayan mo hindi na ako aarte pa. Ang swerte mo na 'no."

"Alam ko naman 'yon. Pero iba pa rin kasi 'yung may proposal. Hindi lang naman engagement ring habol ko eh. Kapag kasi may proposal, pakiramdam ko sobrang mahal ako. 'Yung tipong pakakasalan niya ako hindi dahil sa tagal ng pinagsamahan namin o kaya dahil sa roon naman talaga ang punta namin. Pero gusto ko dahil ako talaga ang gusto niyang pakasalan."

O-okay?

"Ano? Tameme ka! Sukat! Bitter ka!"

Awtomatiko naman akong napa-poker dahil sa sinabi niya. Ano naman ang kinalalaman ko sa proposal ek-ek na 'yan!

"Kanino naman ako bitter? Swerte naman niya!"

"Peter Enrile ba 'yon?"

"Pfft!" Naibuga ko sa gilid ko ang chocolate drink na kakainom ko lang. "Gaga ka! Bastos ang bunganga mo!"

"Pangalan niya lang binanggit ko, ganyan kana. Grabe!"

"Feeling ka! Hindi ako bitter, sadyang pangit lang pakinggan ang name niya."

"Nah! Lokohin mo lelang mo!"

"Talaga naman!"

"Paano maganda na sa 'yo ngayon ang pangalang Cole Lim."

At mas lalo akong natameme nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Damn!

*Flashback

"I like you, Xareen. And I will do everything just to prove that I'm serious when I say that I want to get old together with you. I want you, not just a mother for my son. But, a wife. Can you please just give me a chance?"

"Akala mo ganoon kadali 'yan? Madaling magsalita, Mr. Lim. Wife ako? Pinapatawa mo ba ako ha?"

"Seryoso ako! Bakit kapag ako ang magsasalita, hirap na hirap kang maniwala? Mahirap ba talagang intindihan na may taong kayang mahalin ang taong kasing bato mo ha?"

"Alam mo nagpapasalamat ako dahil nandiyan ka para samahan ako sa pagpapaliwanag kay Sheen. Pero ang panghimasukan pa ang desisyon ko para sa sarili ko? Parang mali naman yata 'yon."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon