Chapter 39

5.2K 138 14
                                    

Does hurting a woman make you man? So then, loving us makes you a less.- Ms. Cari

______________

"I thought you'd go? Paano ka nakarating doon?" tanong ko sa kanya matapos namin maligo.

Kasalukuyan kaming nasa veranda ng kwarto namin. Isang oras na lang ay maghahating gabi na. Ang ilan ay nagkakasayahan pa sa baba, ang iba naman ay nagpapahinga na.

"Nanay asked me to stay, even just for our son's sake."

"Akala ko umalis kana talaga eh. Hindi na kasi kita nakita simula nang pumasok ako sa event hall."

Nasa pagitan ako ng bisig niya habang pinapanuod ang mga bituin na nagniningning sa gabi. Ang ganda nga naman ng lugar na ito. Bagay na bagay sa okasyon at sa sayang nararamdaman ko. Bagay na hindi ko napansin kagabi dahil lutang ako sa pag-iisip kung darating ba siya sa kasal.

"I watched everything. Tss! At naiinis ako sa nakita ko kanina. Damn Gerald!"

Nangunot ang noo ko. What is he talking about? Dahil hindi ako sinagip ni Gerald? Eh dapat lang naman na unahin niya si Sheen.

"Alangan naman na unahin niya akong sagipin. Ito tanga rin minsan," angil ko sa kanya.

"Tss! That's not what I'm referring to. 'Yung ginawa mo kanina kasama 'yung pinsan o kaibigan ba ni Gerald. Gagong 'yon! Alam na nandoon ako kaya ako pinagseselos."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kaya naman pala tuwang tuwa si Gerald kanina. Malamang ay kasabwat niya ang asawa niya.

"Nagselos ka naman?" pang-aasar ko pa.

"Tangina! Oo! Lintek na halik 'yon. Damn! Kung hindi lang talaga ito kasal ni Gerald, ipapabugbog ko 'yon."

"Ang cute mo."

"Tss!"

"You still love me. Definitely." That was not a question. I'm stating the obvious from his reaction.

"Walang nagbago kahit pa umalis ka. Ewan ko ba naman sa puso ko. Ikaw at ikaw pa rin ang ginugusto."

"Don't worry, I love you more. And I'll do everything to prove it."

Did I tell you that this is my place? In his arms? I want to stay here until morning rises. I want to be in his arms until my breathing ends.

Kinabukasan ay abala ang lahat sa pag-iimpake. Maging ako ay hindi na magkadaugaga sa pag-aayos.

"Nasabi mo na ba kay Sheen? Ano'ng oras tayo aalis?"

"Yes. Uwi muna tayo sa bahay. Kulang din kasi ang dala namin damit at gamot ni Sheen."

"O sige. Sabihin ko kay mommy before dinner tayo?"

"Yes. That will do."

Luluwas kami ng Manila ngayon. Magpapakita ako sa magulang ni Cole at hihingi na rin ng patawad. Nag-over react ako sa nangyari. Alam ko na ang pagkakamali ko. And I'm willing to lower my pride to understand Bettina.

At exactly 3:00 PM, umalis na kami sa Pampanga. Sandali lang kaming nagpahinga sa bahay at umalis na rin kami.

"Honey, do you want to sleep? Dito ka kay mommy," yakag ko sa anak ko na nasa back seat.

"I'm fine, mom."

"Do you need anything? Baka nagugutom kana? We can drop by to a restaurant and buy you food?"

"Oo nga, son. What do you want?" usisa sa kanya ng daddy niya.

"Mom, can we buy doughnuts for Trixie? She loves doughnuts a lot."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon