Chapter 4

8.4K 203 15
                                    

Stop staring at me. I might think you're falling for me. -Ms. Cari
_______________

"Mom, isn't it too early? It's only 6:00 AM."

"No, honey. Dadaan pa pati tayo sa coffee shop d'yan sa labasan. We will have our breakfast first."

"Ahm... Okay."

I should be out of here before 6:30 AM. Ang sabi sa akin ni Gerald ay maaga raw napunta rito si Mr. Lim dahil nga sa negosyo nito. Hindi naman ako puwedeng magtago na lang dahil baka ano'ng oras pa siya umalis.

"Glow, aalis na kami. Sa coffee shop na lang kami kakain," paalam ko kay Jess na nagtitimpla ng kape.

"Napaghahalataan."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Letse! Katabi ko lang kaya si Sheen. Mamaya marinig siya, magtanong pa.

"We will go. Just text me later, ha?" I gave her if-he-is-gone look.

"Okay. Ingatan mo 'yang inaanak ko. H'wag kang todo madali. May sugat pa 'yan sa paa, Xareen."

"Yeah, I know."

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa coffee shop. Iniisip ko pa lang kasi na malalaman niyang ako ang may ari ng Smoothy Edge ay baka mapahagalpak siya sa tuwa.

Ang saya naman kasi talaga ng tadhana. Sa dinami-rami ng tao sa mundo ako pa ang napili na pagtripan.

"One hot chocolate and one dark coffee. And two orders of pancake."

"Ma'am, honey syrup po?"

"Chocolate, do you have?"

"Mayro'n po."

"Sige. 'Yun na lang."

"Okay po, ma'am. Two hundred seventy five po."

Matapos akong um-order ay bumalik na ako sa puwesto ni Sheen. Nakatingin lang siya sa labas na para ba'ng may hinahanap. Awtomatiko tuloy akong kinabahan kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya.

"What is it, honey? Have you seen someone?"

"No, mom. I was just looking at the store. Can we buy school stuffs?"

"Sure, honey. Basta sana mai-enroll na kita."

Matapos kaming kumain ay pumunta na rin kami sa school na sinasabi ni Yena. Madali lang namin nahanap ang opisina ng school head. Ang sabi nito sa amin ay makakapasok na rin agad si Sheen. August pa lang naman daw at kaya pang ihabol sa mga naunang mga pumasok. Pero sinabi niya na mas maganda kung sa lunes ko na lang ipasok si Sheen. Dahil na rin sa paa ng anak ko ay pumayag na ako.

"Oh? Is there a problem?" tanong ko sa anak ko habang hinahalungkat niya ang bag niya.

"Mom, I think I forgot my medicine."

"Baka nand'yan lang, anak. Sa ibang pocket hinanap mo na?" tanong ko at umupo ako para magpantay kami.

"Wala talaga, mommy."

Okay. So what's now? Alangan bumalik kami sa bahay nila Glow para kunin ang gamot. Hindi ko naman puwedeng ipakuha dahil hindi ko rin alam kung nasaan 'yung gamot. Mayroon naman gamot sa maleta kaya lang naka-lock 'yon.

"Bibili na lang tayo, Sheen. Let's go."

We were gone from different drugstore but we never found the same medicine prescribed by the doctor who consulted my son. I can not replace it with any medicine because my son has an allergy. And it might be more dangerous if I took the risk.

"Hello Glow, is he still there?" I asked her on the phone.

"Yes. Still here and chatting."

I really can't believe how Glow laugh at the situation. I'm paranoid and everything. While she's calm and fooling around.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon