Cheating is never a mistake. It is a choice made by a fucking asshole! -Ms. Cari
_________________
"Xareen! Ano ba?" sigaw ni Cole at mahigpit akong iniharap sa kaniya.
"Damn that girl, Cole! Isusumpa ko talaga siya sa oras na may mangyaring masama sa anak ko! I swear!" sigaw ko sa kaniya sabay agos ng luha sa mata ko.
"Shh! Aayusin ko na gamit natin at aalis na tayo. I book our flight. Please, calm down, sweetheart."
Hindi ko alam kung paano kakalma. Nagagalit ako! At naiinis ako dahil wala ako sa tabi ng anak ko. Gustong gusto ko na siyang makita at mahawakan.
Nakarating at nakarating kami sa airport nang wala akong tigil sa pag-iyak. Ang bigat bigat na ng dibdib ko. Tumawag na sila tita at panay ang hingi nila ng tawad. Pero kahit gawin nila 'yon ay walang magbabago.
Alas kwatro ng madaling araw nang dumating kami sa Manila. Agad na rin kaming nagtungo sa Pampanga. Mabilis ang biyahe pero sa bawat minuto ay mas kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
"Sweetheart, nandito tayo para sa kaniya. Gagawin natin lahat," bulong ni Cole at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Wala ako sa mood na pansinin siya. Hindi ko dapat siya idamay, pero kapag naiisip kong pamilya niya ang may kagagawan nito ay nanggagalaiti ako. Alam kong mali! Pero wala akong masisisi.
"Ipagdasal mo na walang mangyaring masama sa anak ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko," madiin kong usal at umiwas ng tingin sa kaniya.
Sa oras na nakarating kami sa ospital ay wala akong atubiling nanakbo. Agad akong pumunta sa information desk at tinanong ang kwarto ng anak ko. Kasabay noon ay ang pagkaripas ko ng takbo paakyak sa floor na 'yon.
At nang makita ko ang anak ko sa loob ng kwarto ay wala na akong nagawa kung hindi ang lumuha. Kahit sa tatlong metrong layo ko sa kaniya ay pansin ko ang pagkaputla ng kulay niya.
"Hija..."
Hindi ko magawang pansinin ang ina ni Cole na palapit sa akin dahil tutok ang mata ko sa anak ko. Sa halip na salubungin ito ay nilagpasan ko at nagtungo sa anak.
Mas lalong hindi ko napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko nang mahawakan ko ang kamay ng anak ko. Sa ibabaw niya ay mas umiyak ako. Walang pakialam kung sino ang nasa paligid ko.
"H-honey, nandito na si mommy. Please wake up. Hindi kana iiwan ni mommy. Sheen..."
Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod at kamay ko. Naaawa ako sa anak ko. Wala dapat siya rito. Hindi siya kailan man mababagay sa ganitong lugar.
"Sweetheart, uminom ka muna ng tubig."
"Don't touch me!" sigaw ko kay Cole nang hawakan niya ako sa braso para abutan ng tubig.
"Hija?" Gulat ang unang rumehistro sa mga mukha nila nang sumigaw ako.
"Anak, kumalma ka," pag-amo sa akin ni nanay Laila.
"Hindi, nay! Hindi ako kakalma!" galit na galit kong sigaw. "You put my son here! You put my son in danger! Alam niyong may saltik si Bettina! Bakit nga ba ako nagtiwala sa inyo? Sige! Tingnan niyo ang anak ko! T-tingnan niyo siya!"
Napaluhod na ako sa panghihina ng tuhod ko. Paano nila naatim na tingnan ang kalagayan ng anak ko? Paano nila nagagawang umupo sa ganyang katayuan ng anak ko? Paano!
"Nasaan si Bettina? Nasaan ang... babaeng 'yon?" Akmang itatayo ako ni Cole pero hindi ko hinayaan na magawa niya 'yon at nagkusa na akong tumayo.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...